Chapter 23 [Part 6] - Hard To Breathe

141K 751 55
                                    

[Luigi's POV]

*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEPPPP*

----------------------------------------------------------------------------------------------------- 

Bigla akong napa-preno.

Nakita kong bumaba ang isang babae sa sasakyan na nasa harapan ko. Naka-payong sya.

Naglakad palapit sa akin ang babae.



Kinatok nya ako kaya binuksan ko ang bintana ng kotse ko.

Big eyes. Pretty face.

"What the heck! Magpapakamatay ka ba? Kung magpapakamatay ka, wag kang mang-damay ng iba! Ginasgasan mo ang kotse ko kaya ikaw ang magpaayos nito!", galit na galit na sabi ng babae. Pagkatapos ay binato sa akin ang isang maliit na papel.

"I'm s-sorry, p-pasensya na. Pasensya ka na talaga", mahinang sabi ko sa babae. 

Tumingin sa mga mata ko ang babae at parang biglang unti-unting kumalma ang aura nya.

Ganon ba ka-kawawa ang itsura ko?

Tumango sya sa akin, "O-ok sige, magingat ka na lang sa pag-drive", mahina nyang sabi. Pagkatapos ay ngumiti sya ng bahagya sa akin at tumalikod na at lumakad pabalik sa sasakyan nya.

Nakita ko syang iniliko ang sasakyan nya at maya-maya pa hindi ko na maaninag ang ilaw ng kotse nya.

Dinampot ko ang papel na binato nya sa akin. Calling card. Binasa ko ang nakasulat doon at nilagay iyon sa wallet ko. 

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Nagpatuloy ako sa pagmamaneho.

Nawala saglit si Laureen sa isip ko dahil na-focus ang attention ko sa daan. Mas nag-ingat ako.

Pero ng tinatahak ko na ang pamilyar na daan, naalala ko na naman sya. Si Laureen.

Daan papunta sa bar kung saan kami unang nagkita. Don ko binalak pumunta pagkatapos kong muntik ng mabangga kanina. Pero nung maalala ko na dun ko unang nakita si Laureen, hindi na ako tumuloy.

  

Nakarating ako sa tapat ng isang bahay.

Madilim pa at wala pang nakabukas na ilaw sa bahay.

Nag-park ako sa tapat ng gate. Nagdadalawang isip ako kung mang-gi-gising ba ako o hindi.

Lumabas ako ng sasakyan, wala akong pakialam kung nababasa ako ng ulan.

Napa-upo na lang ako sa tabi ng mga paso.

P*tangina!

P*tangina talaga!

Lagi na lang ba?

Hindi na ako nagpunas ng mga mata ko. Walang use. Dahil nauulanan naman ako. Basa na din naman ang damit ko.

Baket?

Baket palagi na lang ganito?

Walang patid ang pag-agos ng tubig sa mga mata ko.

Sinipa ko ang pinakamalapit na paso sa akin. At tumilapon ang halaman na nakalagay doon.

Ang sakit-sakit.

T*ngina ka kasi Luigi, di ka na nadala.

Sabi mo diba hindi ka na uulit? Sabi mo mag-iingat ka na diba?

Pero ano, ayan ka na naman!

Gago! Gago ka!

Naputol ang pagiisip ko dahil biglang tumigil ang pagpatak ng ulan sa katawan ko.

Tumigil na ba ang ulan?

"Gi...."

Inangat ko ang ulo ko para tignan ang taong nagsalita.

Umuulan pa din pero hindi na ako nababasa.



Hindi ko namalayan ang pagdating nya. Nakasukob na din pala ako sa payong nya. 


Hindi ako sumagot.


"Gi....  Let's go inside...."

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon