Chapter 23 [Part 2] - Hard To Breathe

144K 943 210
                                    

[Luigi's POV]

Pumasok ako ng kwarto namin ni Laureen na walang kailaw-ilaw.

Galing ako sa lugar kung saan ko dinala si Laureen dati, don sa lugar overlooking the city lights. Tumambay lang, nagisip-isip at uminom ng konti. Buti na lang nasabi ni Kara na nagsisimula ng umulan, kaya malapit na ko sa bahay nung tuluyang umulan ng malakas. 

Ginamit ko ang ilaw ng iphone ko para makapasok sa cr at makapagshower. Ayokong magising si Laureen sa liwanag. Pagkatapos ay nagbihis na din ako agad.

Kinuha ko ang comforter na nakatupi lang sa gilid ng kama. Hindi kasi iyon ginagamit ni Laureen. Tumigil ako at umupo sa kama saglit para pagmasdan ang mukha nya. Namiss ko sya. Ang mga mata nya. Ang ilong nya na lagi kong pinipisil. Ang scent ng buhok nya.



"Na-miss kita Laureen", bulong ko.

Ayokong magising si Laureen kaya sa sahig na ako matutulog.

Humiga na ako sa sahig at bubuksan ko na sana ang lampshade ng may biglang nag-ring na telepono.

Parang sa sobrang dilim at katahimikan, nagulat ako sa biglang pag-ring noon at naibaba ko tuloy ang kamay ko.

Aabutin ko sana ulit ang lampshade pero narinig kong gumalaw si Laureen at nagsalita.

"Hello"

 

 

"Sorry bes, nag-time off lang ako"

Bes? Si Charm pala ang tumawag sa kanya.

"Hindi naman kami nag-date ni Billy, dinala nya lang ako sa park, nag-usap lang kaming dalawa...kaso...."

Billy? Park?



Napakunot ang noo ko sa narinig ko.

"We kissed"

We kissed.... We kissed....

 

 

Bumagal ang pintig ng puso ko at unti-unti naramdaman kong nanginig ang mga kamay ko.

"Oo, kami na nga"

Kami na nga.... Kami na nga.... 

"O sige bes"

 

 

What the hell was that?

Humawak ako sa dibdib ko, parang unti-unting dinudurog ang puso ko.

Pinatong ko na lang ang isang braso ko sa mukha ko. Para takpan ang mga mata ko, pinipigil kong may lumabas doon.

Nag-ring ulit ang phone ni Laureen. At narinig ko syang nagsalita ulit.

"Nasa condo ko ikaw? Wala ako dyan, andito ako kina Lolo"

"Bakit ba ganyan ang boses mo? May nangyari ba sa'yo? Pinag-aalala mo ako"

"Teka, sige pupuntahan kita, magbabasa lang ako ng mukha pagkatapos mag-da-drive na ako papunta dyan ok"

"Hintayin mo ko, mag-usap tayo"

"Na-miss din kita"

 


Namiss din kita.... Namiss din kita....


Nagpaulit-ulit ang sinabi ni Laureen sa utak ko. Si Charm pa din ba ang tumawag sa kanya ulit? O si Billy na ang kausap nya?

 

 

Naalala ko bigla ang sinabi ni Billy.

We know the truth. I know where I stand.

 

 

Kaya ba sinabi ni Billy yan sa akin? Dahil sya ang pinili ni Laureen?

They kissed.



They kissed.



She was not forced. She allowed it.

Mas lalong nanikip ang dibdib ko. Lalo kong hinigpitan ang hawak sa may puso ko.


Naramdaman kong gumalaw si Laureen at kahit nakatakip ang braso ko sa mga mata ko, alam kong binuksan nya ang lampshade dahil sa liwanag na naaaninag ko.



Hindi ako gumalaw sa pwesto ko. Maya-maya pa naramdaman ko na ding bumukas ang pinto ng kwarto at sumara ulit.



Kasabay ng pag-sara ng pinto, hindi ko na din napigilan.... naramdaman ko na lang ang brasong nakalagay sa ibabaw ng mga mata ko na unti-unting nababasa.

---------------------------------------------------------------------------------------------------

@XieneXiene ano ngang comment mo sa Chapter 23-Part 1? :))

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon