Chapter 26 [Part 6] - Back In The Game

138K 777 63
                                    

[Laureen's POV]

Nag-start ang 2nd quarter. Hindi pa masyadong nagkakainitan, ng may isang lalaking naka-jersey ang dumating sa loob ng court.

Jersey number 8, may kasama syang babae na naglalakad. Naka-hawak sya sa likod ng babae. At masaya silang nagbubulungan.


Naramdaman kong uminit ang tenga ko.

Si Luigi dumating na, kasama si Kara.

Pagkatapak na pagkatapak ni Luigi sa bench area nila, na malapit lang sa amin ni Charm, pinaupo nya si Kara.

Mga limang upuan ang layo niya mula sa amin ni Charm. Nag-usap sila saglit. Nakaupo si Kara at nakayuko si Luigi sa kanya.

Nagtali si Kara ng buhok, tapos may pinahawak sya kay Luigi na bagay. Tumingin-tingin si Kara doon, tinignan nya kung ayos ang pagkakatali ng buhok nya. Salamin. Hinawakan ni Luigi ang salamin para kay Kara.

Lalong umiinit ang tenga ko.

"Bes", tinawag ako ni Charm, nakatingin pala sya a akin, kinuha nya ang kamay ko. Ngumiti sya ng bahagya sa akin.

Binalik na lang namin ang mga mata namin sa laro.

Pinasok na si Luigi.

"KYAAAAAAAA! Si Luigiiiii! Andyan na sya!"

Kumaway si Luigi at nag-smile sa group ng girls na sumigaw at tumakbo na sa gitna.

His moves, how he waved at them, and smiled at them, may kakaiba.

Natapos ang 2nd quarter. Home - 38, Visitor - 42

Half time.

Tumakbo ang mga home players sa bench side na malapit sa amin. Lumapit si Luigi kay Kara at tinulungan sya nitong magpunas ng pawis.

Biglang napunta ang atensyon ko kay Lance, na nakatingin pala sa akin. Siniko nya si Luigi. Tumingin si Luigi kay Lance saglit pero binalik nya agad ang mata nya kay Kara.

Nagulat na lang ako ng biglang may kumausap sa akin.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon