Chapter 5 [Part 2] - Lost

210K 1.3K 134
                                    

[Luigi's POV]

"Pancakes?", tanong ni Laureen sa akin.

 Di ako nakapagsalita agad.

Ng makabawi ako ay ngumiti ako ng bahagya sa kanya.

"Sige", sagot ko sa kanya. Ni-lock ko na ang pinto ng kotse ko at sumunod na ako sa kanya sa paglalakad papasok sa building.

Alam ko naman kung bakit nya ako ininvite magbreakfast bigla. Panigurado may mga gusto syang itanong tungkol sa mga nangyari kagabi.

Tahimik lang kami naglakad papunta sa loob ng building. Tahimik din kami habang nasa loob kami ng elevator.

Buti na lang may mga ibang tao kaming kasabay, dahil kung kaming dalawa lang ang nasa loob ng elevator, mas nakakailang siguro.

8th floor. Dun kami bumaba. Nasa 8th floor ang unit nya. Just like mine.

Tahimik nyang binubuksan ang pinto. Kaso nahulog ang keyholder na hawak nya. Para kaming tangang dalawa na nagulat. Haha

Sa sobrang katahimikan namin, sa simpleng pagkakahulog lang ng mga susi nya eh nagkagulatan na kami. Napangiti tuloy ako, pinipigilan ko kasing matawa.

Nakita ko din si Laureen, nagpipigil din ito ng tawa nya.

Finally nabuksan din nya ang pinto at nakapasok din kami.

Napakaayos ng unit ni Laureen. At parang color-coordinated ang mga gamit sa loob nito.

"Teka", yun lang ang sinabi ni Laureen, bigla itong nawala. Naiwan ako sa pinaka-sala area nya.

Ng bumalik ito ay may dala-dala itong maliit na box. Tinuro nya ko sa sofa. Umupo naman ako.

Umupo ito sa tabi ko at binuksan ang maliit na box na hawak nya. Tumingin ako sa malayo. Nakakailang kasi sya masyado syang malapit sa akin.

"Akin na", sabi nya sa akin.

Tumingin ako sa kanya, "Akin na ang alin?", tanong ko.

"Akin na yang nasuntok sayo", hinawakan nya ako sa mukha at dinampian ng cotton buds ang lower lip ko.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon