Chapter 30 / Last Chapter [Part 2] - Every End Is A New Beginning

141K 1.2K 99
                                    

[Laureen's POV]

~There are times when I just want to look at your face

With the stars in the night

There are times when I just want to feel your embrace

In the cold night

 

I just can't believe that you are mine now ~

Tinatapik ni Luigi ang balikat ni Migs ng dumapo ang tingin ko sa harap ng altar para tignan ang reaksyon ni Migs habang naglalakad ng mabagal ang mangiyak-ngiyak na si Bianca papalapit sa kanya.

Bestmen sina Luigi at Paul na bestfriend ni Migs.

Napakagwapo ni Luigi kanina habang naglalakad sya papuntang altar. Nakangiti lang sya buong paglalakad nya at lalong ngumiti pa ng mapatapat sya sa akin. Nginitian ko din sya, at para bang biglang miss na miss ko na agad sya kahit na magkasama lang kami kanina sa hotel kung saan nag-stay si Migs at naghiwalay lang kami ni Luigi dahil sasabay sya sa sasakyan ni Migs.

Part din ng entourage si Xavier na ring bearer. At si Jake na isa sa mga groomsmen.

Nakatayo ako at ang lahat ng guests sa simbahan simula ng sumara ang pinto ng simbahan at tumunog ang bridal song. Sa pagpasok ni Bianca, para bang tumayo ang mga balahibo ko ng hindi maipaliwanag.

Napaka-gandang bride ni Bianca sa suot nitong sleeveless white wedding gown na see-through ang design sa bandang taas ng dibdib hanggang sa leeg nito. Hawak-hawak nito ang isang bouquet ng pinaghalong red at pink roses.

~You were just a dream that I once knew

I never thought I would be right for you

I just can't compare you with anything in this world

You're all I need to be here with

Forevermore~

Nakangiti si Migs sa kabilang dulo ng simbahan, at may kung ano sa expression ng mukha nya na para bang naiiyak sya at namamangha at the same time sa babaeng mabagal na lumalakad papunta sa kanya.

Humarap si Migs kay Luigi at hinawakan nito ang kamay ni Luigi na tumatapik ng marahan sa balikat nya. At tinapik din pabalik ang kamay ni Luigi.

Nag-ngitian silang mag-pinsan. Binalik ni Migs ang tingin nya kay Bianca at si Luigi naman ay tumingin sa akin.  Pinisil-pisil nya ang kaliwang tenga nya.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon