Chapter 23 [Part 5] - Hard To Breathe

140K 727 59
                                    

[Luigi's POV]

Nakakapanginig.

They kissed.

They kissed.

Huminga ako ng malalim at tinanggal ang pagkakapatong ng braso ko sa mga mata ko at pinunasan ko ang braso ko para matuyo iyon.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko at dali-dali akong pumunta sa cabinet at humugot ng jacket at pantalon.

Kinuha ko ang susi ng kotse ko at hinablot ang iphone ko at nagdere-derecho palabas ng bahay ng mga dela Cuesta.

------------------------------------------------------------------------------------------------

Malakas ang ulan.



Madilim ang paligid.



Halos walang sasakyan sa daan.

Nag-drive ako.

Nag-drive ako kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta.



Gusto ko lang makalabas sa loob ng bahay na 'yon. Sa kwarto na 'yon.

Pinupunasan ko ang mata ko from time to time.

Lumalabo kasi ang paningin ko dahil sa tubig na umaagos mula doon.

Parang nananadya pa ang panahon at nakiki-sabay din sa akin.

Hawak-bitaw ako sa manibela.

Andar-hinto sa sasakyan.

Minsan hinahampas ko pa ng malakas ang manibela.

Baket Laureen?

Nagpatuloy ako sa pagmamaneho ko.

Andar.



Hinto.

Andar.

Baket Laureen? Hindi pa ba ko sapat? Bakit sa kanya pumayag ka?



Hinto.

Andar.


Liko.

Punas sa mata.

*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEPPPP*

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Halaaaa! 

;)

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon