Chapter 27 [Part 3] - Mr & Ms

139K 820 51
                                    

[Laureen's POV]

"Laureen! Tara na", sabi sa akin ni Jaycee. "Kaya natin yan", sabi pa ni Jaycee.

"Thanks Jayce!", sabi ko sa kanya.

"Gitara mo", inabot sa akin ni Billy ang gitara na gagamitin ko.

"Thanks Billy", sagot ko kay Billy.

Hinawakan ako ni Jaycee sa kamay at inakay papunta sa gitna ng stage. Meron don dalawang upuan na walang sandalan at medyo mataas.

Inalalayan ako ni Jaycee na maupo doon. Pagkatapos ay sinuot nya sa akin ang strap ng gitara ko.

Kinilig ang crowd sa nakita nila sa amin. Napa-smile naman ako.

Parehas lang kaming naka-jeans ni Jaycee. Naka-checkered sya na polo na may red, black and white color combination. Tapos naka-Converse. Ako naman, tinernohan ko sya, pinag-usapan naman namin yun eh. Kaya naka-polo din ako ng checkered, baby pink, black and white naman ang color combination ng suot ko. Tapos nag-Converse lang din ako. Parehas puti ang kulay ng shoes naming dalawa. Tinali ko din ang buhok ko into a bun na medyo loose. Pakulo ni Charm. Cute daw tignan ang messy bun.

Umupo na din si Jaycee sa upuan nya. Parehas may nakasabit na gitara sa aming dalawa.

Magkaharap kami ni Jaycee. Naka-harap ako sa side kung nasaan ang mga kasamahan ko. Kaya naman nakikita ko sila. Si Jaycee mismo ang nagpa-pwesto sa akin don, para daw kahit papano masusulyapan ko ang mga kaibigan ko for support. Si Jaycee naman nakatalikod sa kanila. Pinagusapan namin ni Jaycee na dapat titingin-tingin din kami sa crowd paminsan-minsan. At magi-smile kami sa isa't-isa.

"Hello! Goodevening!", sabi ni Jaycee sa microphone na malapit sa kanya, "This song is for all of you"

Sya ang unang kakanta. Hati kami ng mga parts na kakantahin. Merong sya lang muna, merong ako lang mag-isa, meron ding sabay kaming kakanta.

Nag-start kaming dalawa na mag-gitara para sa intro. Naghiyawan ang crowd. Narecognize nila ng kakantahin namin. Buti naman. Nabuhayan tuloy ako ng loob.

[JAYCEE]

~The dawn is breaking

A light shining through

You're barely wakin'

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon