Chapter 1 [Part 1] - Laureen

400K 2.5K 99
                                    

Laureen was waiting for the bartender. May inaasikaso pa itong customer sa kabilang dulo ng bar. Nakaka-apat na shot na sya ng vodka. At alam niyang hindi naman sya talaga umiinom, kaya kahit nakaka-apat pa lang sya ay pulang-pula na ang mukha nya at umiinit na din ang pakiramdam nya.

Buti na lang at presko ang suot nyang blouse na kulay blue at jeans. Sexy si Laureen at maputi. Maganda din sya kaya naman pansinin din sya ng tao.

“At tagal mo naman bes”, naiinip na bulong nya sa sarili, hinihintay kasi nya na dumating ang bestfriend nya. Tinatawagan nya ito sa cellphone pero hindi ito nasagot. Maiiyak na sya sa paghihintay. 

Sa totoo lang, she has another reason kung bakit naman talaga sya naiiyak and she’s waiting for her bestfriend to come para maikwento na nya ang nangyari. Pero ayaw nya din ang naghihintay ng matagal, naiiyak sya pag naghihintay sya ng matagal.

Dumating din ang inorder nyang pang-limang shot ng vodka. Nginitian pa sya ng bartender ng i-abot ang drink sa kanya, “Anything else?” tanong nito sa kanya.

“Thanks, eto na lang muna”, at nginitian din nya ito pabalik.

Maingay sa loob ng bar, malakas ang sounds at puno ito ng tao. Iniisip nya na baka mukha na syang tanga at mag-isa lang sya at walang kasama.

She looked around, may nakita syang mga couple na naglalambingan.

“Maghihiwalay din kayo akala nyo, ngayon lang yan”, sambit nya. Bitter lang ang peg.

“Laureen!” Napalingon si Laureen sa tumawag. Bumuntong-hininga sya. Dumating na si Charms, and bestfriend nya. Nakasuot ito ng gray long-sleeved blouse at jeans kagaya nya. Ganito sila magdamit ni Charms, medyo conservative.

“Charms! Haaaay…, dumating ka din! Ang tagal mo naman! Anong petsa na ‘teh? Nagplantsa ka pa ng damit noh?” Sabay taas ng kaliwang kilay nya.

“Hoy, bes! Kung sambunutan kaya kitang bruha ka. Sino bang tumawag ng alanganing oras? Aber?” sagot nito.

“Ang lapit mo kaya dito kumpara sa akin”, sagot ni Laureen.

“Aba’t dapat lang noh! Ikaw ‘tong may kailangan bes noh!”

“Oo na nga, sige na”, mahinang sagot ni Laureen.

“Lika nga dito” inakbayan ni Charms si Laureen, “Ano bang nangyari? Alam ko importante yan, di mo ko papaalisin ng bahay ng ganitong oras kung wala kang problema ngayon”.

Namumuo ang luha sa gilid ng mga mata niya, gusto nya tuloy umiyak sa sinabi ni Charm. Ganito si Charm, napa-understanding nitong tao, kaya naman naging bestfriend nya ito.

“Si Jeff”, natigilan sya, parang hindi nya kayang ituloy ang susunod nyang mga sasabihin.

“Hmmm, sige tuloy lang kahit parang alam ko na yan" sabi ni Charms.

“Nakipaghiwalay na sya sa akin”.

“Yes! Thank God!” sambit ni Charms.

Tiningnan nya ng masama si Charms. “Sobra ka naman, tuwang-tuwa ka pa ata”.

“Sorry bes”, yumakap ito sa kanya. “Pero kasi alam mo naman diba, dati ko pa sinasabi sayo hiwalayan mo na yun. You don’t deserve him”.

“Mahal ko sya Charms”, mahinang sagot ni Laureen.

“Alam ko”, sagot ni Charms.

Tuluyan ng tumulo ang luha ni Laureen sa mata.

Naghanap si Charms ng tissue sa bag nya pero wala syang Makita. Kaya tinanong nya si Laureen.

“Wala pala akong dalang tissue bes, akalain mo yun first time wala akong dalang tissue, kakamadali ko. Teka tignan natin sa bag mo”.

“Naubos ko na Charms”.

“Lahat?!”, tanong ni Charms.

“Oo, lahat”, sagot niya.

“O sige teka, titignan ko kung may vendo sa restroom, bibili lang ako, dito ka lang ha. Tama na yang iniinom mo, pagbalik ko lipat tayo ng place. Balik na lang tayo sa condo mo para makwento mo sa akin lahat”, naaawang sabi ni Charms sa kanya.

“Sige, bes”, sagot nya at pinunasan nya ang mga luha nya ng mga kamay nya.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon