[Kara's POV]
Umakyat na kami ni Luigi sa kwarto ko. Papalitan ko sana ang mga punda ng unan ko, kaso sabi nya wag na daw dahil baka mapagod ako at lalong magkasakit.
Nakaupo ako sa kama at nakahiga ang ulo ni Luigi sa lap ko. Tumigil sya sa pagiiyak pero hindi sya nagsasalita. Nakatingin lang sya sa may bintana ko.
Hinaplos-haplos ko ang buhok nya. Hindi ko sya iniwanan hanggang hindi sya nakakatulog.
Weird lang tuloy, mabilis kasing makatulog si Luigi at hobby nya ang matulog pag wala syang ibang gagawin. Antukin kasi sya. Pero kanina parang hirap na hirap syang matulog.
Marahan kong sinara ang pinto ng kwarto ko paglabas ko ng pinto.
Atsaka ako pumunta sa kwarto ni Jake. Humiga ako sa kama at tumingin sa picture na nasa side table ni Jake.
Si Jake, si Luigi at ako. Graduation picture namin nung high school.
High school.
***************************FLASHBACK*****************************
"Jake! Bakit bukas na naman yung drawer ko? Ano na naman ang pinakialaman mo sa mga gamit ko?"
"Ang ingay mo naman Kara! Nakakahiya ka!", pabulyaw na sabi ni Jake sa akin, "Andito si Luigi, hindi ka na nahiya!", sabi pa nya sa akin.
"Ay! Hehe. Hi Luigi!", nahihiyang sabi ko kay Luigi.
Nakakahiya ka Kara! Andito pala si crush.
"Hi Kara! Kamusta ka na?", bati ni Luigi sa akin.
Naging mag-bestfriend si Jake at si Luigi nung high school pa lang kami. At pag may ginagawa silang project sa school, dito sila sa bahay nagpupunta, at tumatambay pagkatapos.
Sa bahay nina Tita Jean at Tito Luke ako nakatira, parents ni Jake. Dahil nasa abroad ang mga magulang ko at ang younger sister ko. At binilin nila ako kay Jake. Kaya medyo may pagka-mahigpit sa akin si Jake. Sina Tita Jean at Tito Luke rin nasa ibang bansa. Magkapatid ang mga daddy namin.
Kaya nung 3rd year high school ako nakilala ko na si Luigi, through Jake. Magkaibang section kami ni Jake.
BINABASA MO ANG
Love Will Find A Way
RomanceShe is a stranger to him. He is a stranger to her. She's simple and nice. He's a playboy. Will he ever change? They were both at a bar that same night. And when he thought it is going to be just another ordinary bar night, -- he's wrong, and everyt...