CHAPTER 11

6.5K 127 12
                                    

CHAPTER 11

Aaliyah’s POV

There were two rabbits inside a cage. One was black and the other was white. May isang babaeng nakaharap sa mga ito. She was feeding them. Pero hindi ko makita ang mukha ng babae.

Para bang naririnig ko ang pag-iyak niya na tila ba’y kinakausap ang mga rabbit na naka-kulong. Maya-maya pa’y may isang lalaking dumating. Tinabihan niya ang babae. Nang makita siya nito ay agad itong tumayo.

“P-paano ka nakapasok?” gulat na tanong ng babae.

“Pinapasok na ako ni Tita. Sabi niya ay nandito ka daw,” paliwanag naman ng lalaki.

“Bakit ka umalis sa party?”

“Hindi naman ako nagpunta doon kasi wala ka,” tugon ng lalaki at saka hinaplos-haplos ang balahibo ng itim na rabbit. “Wala naman akong gagawin doon. Isa pa, hindi ko kayang magsaya matapos ang mga nangyari kagabi.”

“I’m sorry,” nakayukong saad ng babae. “I should have listened to you first.”

“It’s not yet too late. Pwede ko pang ipaliwanag sa iyo ang lahat,” tugon nito.

Umiling naman ang babae at saka ngumiti. “Sa totoo lang, you really don’t have to explain. Let me just…” Bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung bakit o kung totoo nga bang nararamdaman ko ito. “Let me listen to your heartbeats.”

Ngumiti ang lalaki at saka hinawakan ang magkabilang balikat ng babae at saka ipinihit paharap sa kanya. Sumunod naman na hinawakan niya ay ang magkabilang pisngi nito. “Ready?” tanong niya. Tumango ang babae at maya-maya pa’y marahang inilapit ng lalaki ang tainga ng babae sa dibdib niya.

A heart beating so fast echoed in my head.

“Ang bilis ng tibok ng puso mo,” rinig ko pang saad ng babae habang patuloy pa ring nag-eecho sa pandinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso.

“I told you. You’re the only one who can make my heart beat this fast.”

Napabalikwas ako sa hinihigaan ko nang magising ako. I was sweating. Bigla akong nakaramdam ng init ng katawan.

“Aaliyah, are you okay?” Si Justine. Bigla siyang lumapit sa akin at bakas ang pag-aalala sa mukha niya.

Tumango lang ako bilang sagot even when in fact, hindi ako okay.

What was that dream all about? Sino ang mga taong nasa panaginip ko?

“Pinagpapawisan ka,” pag-puna niya sa butil butil na pawis sa mukha at leeg ko. “Ikukuha lang kita ng tubig.”

Ilang sandali pa ay muli na siyang nasa tabi ko at pinapainom ako ng tubig.

“Salamat.”

He nodded. “Nawalan ka ng malay kanina sa elevator,” panimula niya habang inilalapag ang basong ininuman ko sa may side table. “May dumating na hotel nurse kanina at may iniwan na gamot. Ipa-inom ko daw sa’yo mamayang gabi pagka-kain mo.”

“Thanks,” tipid na tugon ko.

“Ready ka na bang mag-biyahe? Mamaya kasing alas-singko ang last trip.”

“Yeah. I’m good.”

Napansin niya siguro na may gumugulo pa sa utak ko at wala pa ako sa mood kaya nagpaalam muna siya na lalabas lang siya at tawagin ko na lang daw siya kung may kailangan ako.

Nang makaalis siya ay agad kong kinuha ang keychain mula sa bulsa ko.

Dalawang araw matapos akong magising mula sa aksidenteng nangyari sa akin mahigit isang taon na ang nakakalipas ay palagi nang nasa bulsa ko ang keychain na ito. Kulay black ito na tsinelas at may naka-ukit na pangalan ko in reversed position.

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon