CHAPTER 21

5.9K 106 21
                                    

October 201*

Finals week na sa Harrison at hindi iyon maipagkakaila sa itsura ng mga estudyante – halos lahat ay mukhang zombie na animo’y hindi natutulog at hindi na magawang tingnan ang kanilang itsura sa salamin.

Marahil ay ganito na rin ang itsura ko dahil kahit ako mismo ay hindi ko na magawang tumingin sa salamin para i-check ang itsura ko. But this was not just about the final exams. This was still about Aaliyah.

Makalipas ang araw na nag-usap kami sa dorm ko ay hindi na niya ako muling kinausap pa. Hindi na rin kami ang magkasama sa pag-gawa ng articles for Harrison Advocate. Hiniling niya iyon kay Ate Camille at ang sinabi niyang dahilan ay ang madalas naming pagtatalo sa kung ano ang dapat at hindi dapat naming gawin sa na-a-assign sa aming articles. Hindi na rin ako umangal pa dahil alam ko namang kailangan niya ng space – kailangan niyang mailayo ang sarili niya mula sa akin.

FLASHBACK

“A-ano’ng ibig mong sabihin?” gulung-gulong tanong niya. “Hindi na kita naiintindihan, Justine.”

Tumayo ako at saka binuksan ang pintuan ng dorm ko. “Kailangan mo nang umalis. Gumagabi na.”

“Hindi ako aalis hangga’t hindi mo ipinapaliwanag sa akin ang ibig mong sabihin,” matatas ang boses na pahayag niya. “Kilala mo na ako dati pa? H-how?”

I bit my lower lip and scratched my head. Where did I put myself into?

“P-paano mo nasabing matagal mo na akong kilala? Is it true?” Tumayo siya at lumapit sa akin. Tinitigan niya ako sa mga mata ngunit mabilis kong ibinaling sa labas ang paningin ko.

Mula sa mga mata niyang nangungusap ay hindi maitatago ang dami ng tanong na nag-lalaro sa isip niya.

“Sagutin mo naman ako, Justine!” nagsimula nang tumaas ang tono ng pananalita niya. Nagulat ako nang hawakan niya ang magkabilang braso ko. Hindi ko naiwasang mapatingin sa kanya. “K-Kung matagal mo na akong kilala ibig-sabihin ay alam mo ang tungkol sa mga nakaraan ko.

“Kilala mo rin ba ang mga kaibigan ko? Ang mga magulang ko? Si Mama, si Papa, si Demi, sila Ate Mhina? Kilala mo ba silang lahat? Kilala ka ba nila?”

I nodded.

“B-bakit hindi ka man lang nila nabanggit sa akin? Bakit ni-isa sa kanila, walang nag-kuwento sa akin ng tungkol sa’yo? Kung sino ka? Kung ano’ng parte mo sa nakaraan ko? B-bakit, Justine?”

“I’m sorry,” mahinang pahayag ko. “Pero hindi ko masasagot ang mga katanungan mong ‘yan ngayon.”

“P-pero bakit?”

“This is not the right time for us to talk about this.”

“Right time? Really, Justine? Naniniwala ka sa right time?”

“Bakit naman hindi?”

“Kung ganoon, kailan ba ang right time para sabihin mo lahat ng alam mo tungkol sa akin? Hindi pa ba ngayon? Hindi pa ba ngayong nandito na ako sa harap mo at nanghihingi ng mga kasagutan sa tanong ko?”

I shook my head at saka ko siya hinawakan sa isang pisngi. “Not today, Aaliyah. Not when I have only just began chasing you again.”

“Chasing me?”

“I’m sorry pero kailangan mo nang umuwi. Ihahatid na kita.” I started walking out of my room but she didn’t follow me or even move an inch.

Nagsisisi ako’ng sinabi ko pa sa kanya ang mga bagay na hindi naman dapat – ang mga bagay na hindi pa niya dapat malaman. Pero ano’ng gagawin ko? Nasabi ko na sa kanya na matagal ko na siyang kilala. Paano ko iyon mababawi? Posible bang mabawi ang mga salitang sinabi mo na kahit na iyon naman talaga ang totoo?

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon