CHAPTER 26

4.3K 86 17
                                    

Aaliyah’s POV

“Ali, I’d like you to meet Bryan. Siya ang magiging bagong kasama mo sa pag-buo ng mga articles.”

Magkahalong pagtataka at pagka-gulat ang naramdaman ko nang ipakilala sa akin ni Ate Cams ang lalaking nakaupo sa tapat ng table niya sa HA Office.

B-bakit may bago? Bakit wala si Justine? Hindi na siya ang magiging writer ng mga photographs ko?

Tila napansin naman iyon ni Ate Cams dahil muli siyang nag-salita upang sagutin ang mga tanong na unti-unting nabubuo sa isip ko.

“Umalis na si Paul nang Advocate a week ago. Hindi mo alam?”

I shook my head slowly, trying to absorb what she just said.

“Hindi mo alam?!”

Tila natauhan naman ako nang marinig ko ang gulat na tanong ni Ate Cams. “H-hindi, Ate Cams. Hindi ko alam.”

“I thought he told you. Akala ko ay nakapag-paalam siya sa’yo. Nakita ko pang nag-uusap kayo noon sa labas ng office matapos niyang mag-paalam sa akin.”

So that was the day he decided to leave HA. Ganoon na ba siya ka-desididong iwasan ako? Kaya niyang iwan ang isang bagay na mahalaga sa kanya para lang huwag na akong makasama?

“H-hindi niya sinabi sa akin. Wala siyang sinabi,” walang malay na bigla na lang akong napa-upo sa isa pang upuan sa harap ng table niya.

“Bryan, pwedeng lumabas ka muna? Mag-uusap muna kami ni Ali,” dinig kong pakiusap niya doon sa Bryan. Agad naman itong sumunod sa kanya at mabilis na lumabas ng office.

“Tell me, Ali. May problema ba kayo ni Paul sa isa’t-isa?”

Hindi ako nakasagot agad. Instead, I bit my lower lip and bowed my head down.

“I knew it!” exclaimed Ate Camille. “Nag-away ba kayo? May hindi ba kayo napag-kasunduan? Tell me. Baka makatulong ako.”

I shook my head in an instant. “Masyadong complicated, Ate Camille.”

“Complicated?”

I nodded in response.

“Bakit?”

Huminga ako ng malalim at saka tumingin sa kanya. “There are some things in our past—”

“In your past? Magka-kilala na kayo dati ni Paul?” takang-takang tanong niya pa.

Tumango akong muli. “Ate Camille, may nangyari kasi, eh. Magulo. Komplikado. Mahirap intindihin. Ako mismo, gulung-gulo na.”

Tumayo siya mula sa upuan niya at saka lumipat sa upuan na nakaharap sa akin. She held my hand gently and looked at me wearily.

“Have you ever felt like you are incomplete? Iyong tipong pakiramdam mo, ang daming kulang sa’yo. Pakiramdam mo, hindi mo kilala ang sarili mo. Kasi Ate Camille… ganoon ang nararamdaman ko, eh. Ganoon ang sitwasyon ko,” I paused and looked at her. Nag-sign siya na ipag-patuloy ko lang at ginawa ko naman. “Almost two years ago, naaksidente ako. I was hit by a car. Ilang lingo rin akong under comma bago ako magising.”

Napatakip siya sa bibig niya nang marinig niya iyon. Pinisil niya ang kamay ko gamit ang isang kamay niyang nakahawak sa akin. I gave her a weak smile before I continued.

“When I woke up, hindi ko na kilala ang mga taong nakapaligid sa akin. Worse? Hindi ko na rin kilala ang sarili ko.”

“A-amnesia?”

“Yes, Ate Camille. I have amnesia.”

“Have? You mean… Hanggang ngayon?”

I nodded.

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon