CHAPTER 16

6.1K 106 7
                                    

“Hindi ka man lang nag-alala sa’kin nung nawala ako kagabi!?” wari’y nagtatampong saad ko habang tumatayo from Demi’s bed.

She shook her head no.

“Hindi mo man lang ako hinanap!? What kind of a best friend are you!?”

“Ang O.A. mo!”

“Kasi naman masyado kang abala sa in-organize mong party. Nakalimutan mong wala sa tabi mo ang best friend mo.”

Naupo siya sa tabi ko at saka natatawang tumanggi. “Of course not!”

“Bakit tatawa-tawa ka pa dyan?”

“Because you’re being childish.”

I sighed in frustration. “But you did great. Congratulations!” I hugged her and she hugged me back.

“Thanks, Ali!”

“Actually… I have to tell you something.” I confessed after our hug.

She looked at me, waiting for me to continue.

“I was with someone last night,” I started. “You know… when it rained and the power shut down.”

“And?”

“Hindi siya taga-Ashford. Pero nag-aaral siya sa Harrison.”

Tumaas ang isa niyang kilay na para bang nagsasabing ipag-patuloy ko lang ang pag-kukuwento ko. And I did.

“Kaya daw siya nandoon sa party kagabi ay dahil sa best friend niya na sa Ashford din nag-aral. I suppose his best friend was in the party.”

“So…?”

I bit my lower lip for a while, trying to resist the urge of asking her but it didn’t work. “I suppose, kilala mo ang best friend na tinutukoy niya.”

She crossed her arms before responding. “Ano ba’ng pangalan niya?”

“Justine,” mabilis na tugon ko. “Justine Salcedo.”

Demi grinned. “Justine, huh?”

Tumango ako. “Kilala mo siya?”

Her eyes narrowed then she shrugged and shook her head no. “Never heard.”

“Hindi kasi niya sinabi kung ano’ng panglan ng best friend niya sa Ashford. Malamang kilala mo ‘yon, ‘di ba? Imposibleng hindi kasi batch lang naman natin ang nasa party kagabi.”

“Dapat kasi kinulit mo.”

Tumayo ako mula sa bed niya at saka nag-lakad papunta sa malaking salamin na nakasabit sa taas ng study table niya. I started combing my hair. “Kinulit ko na pero waepek. Masyadong masikreto ‘yong taong ‘yon. Napaka-bipolar pa.”

Panandalian siyang tumahimik. Nang matapos akong mag-suklay ay nagsimula akong ayusin ang hinigaan namin. Doon pa lamang siya muling nag-salita. “Ali?”

“Hmm?”

“Tell me something about that Justine.”

And I did. Nai-kwento ko kay Demi ang lahat. Simula noong makabangga ko sila no’ng kasama niyang babae nung freshmen concert hanggang sa nag-punta kami sa Baguio. Pero pinili kong huwag isama sa kwento ang muntikan ko nang pagka-hulog sa bangin at ang mga salitang binitiwan ni Justine sa akin noong mga panahong iyon.

Bakit?

Alam ko kasi kung paano mag-isip si Demi. Alam kong bibigyan na naman niya ng meaning ang mga sinabi sa akin ni Justine kahit na ipaliwanag ko pa sa kanya kung gaano ka-frustrating ang taong ‘yon.

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon