CHAPTER 29

3.4K 74 3
                                    

Tinitigan kong mabuti ang papel na binigay ni Miguel sa akin kanina. Obviously, hindi ito ticket. Isa lang siyang matigas na papel na may nakasulat na contact number niya at note na nagsasabing ‘I'll wait for you at the hotel lobby at 5pm. *pats your head*’

Hanggang sa note ba naman, ipa-pat niya ang ulo ko? Nakakaloka 'tong lalaking 'to, ah.

Now, I wonder how close were before. Kahit na nahihiwagaan ako sa pagkatao niya ay desidido pa rin akong sumama sa kanya. Hindi naman siguro ako ipapahamak ng lalaking iyon. Hindi naman kasi siya mukhang manloloko, rapist, murderer, or whatsoever. In fact, he’s cute. Not that I was attracted to him but he has good looks, I must admit. And he knew me.

4PM na nang mag-decide akong mag-hanap ng susuotin ko. Hindi naman niya sinabi kung saan kami pupunta kaya okay na siguro ang casual outfit. Isa pa, wala rin naman akong dalang gaanong damit dahil three days lang naman ang itatagal namin dito.

Nagmadali akong lumabas ng hotel room dahil hindi ko lubos-akalain na makakatulog pala ako. Hindi ko na rin nahintay ang elevator dahil natatakot akong baka iwanan ako ng lalaking iyon dahil more than twenty minutes na akong late. Tutal, hindi naman gaanong nakakapagod ang bumaba ng hagdan. Nasa fifth floor lang din naman ang room namin ni Carol kaya kayang-kaya kong takbuhin pababa hanggang lobby. Nasa may third floor pa lang ako nang bigla kong makitang paakyat si Justine.

Ang kaninang patakbong pagbaba ko ay biglang naging pag-lakad. Yumuko ako nang bahagya dahil hindi ko alam kung papansinin ko ba siya o hindi. Kung dapat ba akong may sabihin sa kanya o wala.

Nang isang step na lang sa hagdan ang pagitan namin ay tumigil siya. Ganoon din naman ako.

“Saan ka pupunta?” tanong niya ngunit hindi siya nakatingin sa akin.

Why does he even care? Iniiwasan niya ako, ‘di ba?

“Lalabas lang,” tipid na tugon ko. Magpapatuloy na sana ako sa pagbaba ngunit muli na naman siyang nag-salita kaya natigilan ako.

“Hindi ko tinanong kung ano’ng gagawin mo. Ang tanong ko, saan ka pupunta?”

WOW. Really?

“Sa labas,” sarkastikong tugon ko.

“Ano’ng gagawin mo sa labas?”

I rolled my eyes though I knew he couldn’t see it. “Lalabas ako sa labas. Bye.”

Akala ko ay pipigilan pa niya ako ngunit hindi iyon nangyari. Assumera lang, Aaliyah?

Nang makarating ako sa lobby ay agad akong sinalubong ni Miguel nang may malaking ngiti sa kanyang mukha. He was wearing a khaki shorts and a blue button-down shirt. Naka-beanie din siya na light brown which matched with his khaki shorts.

He’s cute, indeed.

“Akala ko i-Indian-in mo na ako, eh,” he said while handing me the coffee he bought from Starbucks.

“Thanks.”

“Ready ka na? Hindi ka naman takot sa heights, ‘di ba?”

“Huh?”

“Wala,” he said then patted my head, as usual. “Tara na.”

“Wait lang,” tawag ko sa kanya nang akmang lalabas na siya ng Sands. “Huwag tayong gagastos, ha? Maliit lang kasi ang binigay na pocket money sa’min ng Harrison.”

“Nako, ililigaw kita dito sa Singapore! Lagot ka!”

I glowered at him at saka naman siya nag-peace sign.

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon