CHAPTER 10

7.6K 171 66
                                    

“Waaaah! Grabe, ang saya!” tuwang-tuwang pahayag ni Aaliyah nang makarating kami sa bahay nila Arvie.

Nag-yaya kasi si Arvie na dito na raw kami kumain total ay marami naman silang inihandang pagkain. Agad namang pumayag si Aaliyah kaya wala na akong nagawa upang tumutol.

And honestly, gutom na gutom na rin ako dahil hindi ako nakakain ng breakfast.

Wala dito ang Lolo ni Arvie. hindi ko rin naman magawang itanong kung nasaan ito. Sa totoo lang, gusto ko kasi siyang kausapin para sana huwag nang mag-salita ng kahit na ano. Kinakabahan rin ako dahil baka may nai-kwento na siya kay Arvie.

“Kumain lang kayo dyan, ha? Asikasuhin ko lang ibang bisita,” paalam ni Arvie sa amin nang makaupo kami sa sala.

Tumango lang kaming pareho ni Aaliyah at saka sabay na kumain.

Hindi na ako nakapag-tiis at dire-diretso na ang subo ko. Gutom ako, e. Bakit ba!?

“Hoy, aba! Dahan-dahan lang! Parang wala nang bukas ah!” natatawang anas ni Aaliyah sa tabi ko.

Hindi ko namalayan na matagal na pala siyang nakatingin sa akin.

P*cha. Nakakahiya.

“Huwag ka ngang makialam. Mind your own food.”

“Nakakatuwa ka kasing panuoring kumain! Akalain mo ba namang sa payat mong ‘yan, daig mo pa ang halimaw kung kumain?!” tawa siya nang tawa habang sinasabi iyon.

My brows furrowed.

“Sorry!” sabi niya at saka nag-peace sign. “But seriously, parang hindi ka kasi kumain ng ilang araw.”

“Hindi ako nakakain ng breakfast,” pag-amin ko.

“Huh? Bakit?”

“Wala. Kumain ka na nga dyan,” anas ko at saka tinuloy na rin ang pag-kain ko.

Tumabi siya sa akin at saka ako tinitigan. Napatigil naman ako sa pag-subo.

Aaliyah! Ano ba!? Hindi ka ba titigil sa pangungulit!? Baka sa sobrang kulit mo, mayakap na lang kitang bigla, e! Tss!

“Hanggang sa pagkain, seryoso pa din ang mukha mo.”

“Hanggang sa pagkain, ang daldal mo pa din.”

Nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko ang pag-iling niya habang nakangiti. Muli ay pinagpatuloy kong kumain. Matapos ang ilang sandali…

“Tubig! Tubig!” nabubulunang pakiusap ko.

“Ano? Ano’ng nangyayari sa’yo?”

“Tubig!” sigaw ko habang napapahawak na sa dibdib ko.

Tila naguguluhan naman si Aaliyah. Napa-ubo na ako at saka pa lang niya na-gets kung ano’ng nangyayari sa akin.

“Oh my God! Wait lang!” Nagmamadali siyang tumayo at tumakbo papunta sa kusina.

Pagbalik niya ay may dala siyang isang pitchel ng tubig. “Oh, ito. Uminom ka na dali! Naku po!”

Paano ako iinom, wala siyang dalang baso? Aish!

“B-a-aso.”

“Ha? Baso? Baso! Oo nga! Wait lang!” aligaga ulit siyang nag-tungo sa kusina.

Pagbalik niya ay agad niyang sinalinan ng tubig ang baso at halos tumapon pa iyon dahil sa sobrang puno. Lumapit siya sa at saka ako pinainom.

Napapa-ubo pa ako ng konti matapos iyon kaya muli siyang nag-salin ng tubig. “O-okay na ako,” pag-tanggi ko sa isang baso pa ulit ng tubig na inaalok niya.

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon