CHAPTER 9

7.2K 155 15
                                    

Kinabukasan nang magising ako ay wala na si Aaliyah sa higaan niya. Nag-iwan naman siya ng note sa side table na mauuna na siyang bumaba para mag-breakfast dahil hindi daw siya nakakain kagabi.

Dali-dali naman akong naligo at bumaba sa lobby para makapag-breakfast na din at baka sakaling maabutan ko pa siya. Pagdating ko doon ay hinanap ko agad siya pero wala naman ni-anino niya akong nakita doon.

Maya-maya pa’y tumunog ang cellphone ko.

Aaliyah calling…

“Asan ka?” ang una kong nasabi nang masagot ko ang tawag niya.

“Chill! Kasama ko si Arvie.”

“A-anong kasama mo si Arvie? Nasaan ka?”

“May celebration chorva eklavu kasi dito sa may bayan. Inimbitahan ako ni Arvie.”

“Papunta na ako.”

Without thinking twice ay nagmadali akong lumabas ng lobby at sumakay ng taxi papuntang bayan. Pagdating ko doon, I felt lost. napakaraming tao.

Paano ko mahahanap si Aaliyah nito? And in the first place, bakit nga ba ako nandito? Fine. Dahil magkasama sila ni Arvie. Sinasabi ko na nga ba’t may ibig-sabihin ang mga tingin niya kay Aaliyah, e. Ugh.

Mag-lalakad na sana ako pabalik sa sakayan para umuwi na lang sa hotel nang bigla kong marinig ang pag-tawag ni Aaliyah sa akin.

“You’re here!” may halong pagtataka at pagka-gulat ang tono ng pananalita niya nang makalapit siya sa akin.

Maya-maya pa’y nakita ko nang nakasunod sa likuran niya si Arvie na siya namang ngumiti sa akin.

“Saan ka pupunta?” tanong niyang muli.

“Babalik na ng hotel,” sagot ko.

“You just came here, right?” pag-singit ni Arvie. “Join us.”

“No, I’m good.”

Nag-lakad na ako paalis at ang akala ko’y susundan o pipigilan man lang ako ni Aaliyah pero hindi nangyari iyon. Nang makalayo ako ay lumingon ako pabalik at nag-sisimula na sila ni Arvie na maglakad pabalik doon sa event na sinasabi nila.

“Aish!” iritang anas ko.

Imbes na sumakay sa taxi at bumalik ng hotel ay bigla na lang akong hinila ng mga paa ko papunta sa dinaanan nila Aaliyah kanina. Before I knew it, sinusundan ko na pala sila. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay nawala na sila sa paningin ko.

Sh*t! Saan naman sila napunta? Tss! Ang dami pa namang tao dito paano ko ‘yon makikita? Wala pa naman akong tiwala sa mukha ni Ar—

“Boom!”

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot sa harap ko sina Aaliyah at Arvie.

“Hahahaha!” rinig kong malakas na tawa ni Aaliyah.

As usual, sinamaan ko siya ng tingin at agad din naman siyang tumigil.

“Akala ko ba babalik ka na sa hotel?” pang-aasar na tanong ni Aaliyah. “E bakit mukhang may sinusundan ka?”

Hindi ako nakasagot. Tss. Bwisit! Dapat hindi na lang ako sumunod. Bakit ba kasi may sariling utak ‘tong mga paa ko?! Aiiiiish!

“Tara na nga.” Hinigit niya ang kamay ko at agad naman ako napa-piglas. “Ano ba ‘yan!? Ang arte mo talaga, forevs.”

“Bitiwan mo kasi. Baka na-a-awkwardan,” sabi naman ni Arvie at agad din naman siyang sinunod ni Aaliyah.

She crossed her amrs instead. “Ano? Tara na. Sumama ka na sa’min. Alam kong gusto mo rin.”

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon