CHAPTER 24

4.7K 90 9
                                    

Aaliyah’s POV

Maaga pa lang ay hindi na maganda ang pakiramdam ko. ‘Yung tipong parang may hindi magandang mangyayari? Para bang may nagsasabi sa akin na huwag akong pumasok ngayon. Not to mention that it’s the first day of school for this semester. Pero ewan, kakaiba talaga ang pakiramdam ko.

Nang matapos akong mag-bihis ay agad akong nag-check ng messages sa cellphone ko. Inisa-isa ko ang mga good morning and see you messages ng mga kaibigan at kaklase ko ngunit hindi ang mga iyon ang gusto kong mabasa.

Bakit wala pang text ang mokong na ‘yon? Hindi ba niya ako susunduin?

Nag-hintay pa ako ng ilang minuto sa text niya ngunit wala pa ring dumating, kaya nag-decide na akong tawagan siya.

“Hoy, lalaking apat ang mata. Nasaan ka na?” pambungad na tanong ko nang sagutin niya ang tawag ko.

Matagal bago siya sumagot. “Hindi ako makakapasok.”

“Ha?! Bakit?” Maya-maya pa’y narinig ko mula sa kabilang linya ang pag-ubo niya. “Are you sick?”

“Medyo masama lang ang pakiramdam ko,” malumanay na tugon niya.

Ito na siguro ‘yong kakaibang feeling ko kanina.

“Puntahan kita d’yan.”

“H-huwag na. May pasok ka, ‘di ba?”

I nodded though I know he wouldn’t see it. “Are you sure you’re okay?”

“Oo naman! Kapag gumaan ang pakiramdam ko, papasok na rin ako mamaya.”

I let out a sigh. “Okay.”

“Sorry kung hindi na kita nai-text.”

“It’s fine. Nagising ba kita?”

“Hindi naman.”

Then I didn’t know what to say anymore. There was an awkward silence until he spoke up again.

“Uyy… concerned siya,” he teased.

“Syempre, may sakit ka. Wala na nama akong kasabay pumasok.”

“Sus. Iyon lang ba talaga? Nami-miss mo na ako?”

“No.”

“Really?” his voice sounded like he was again teasing me.

I was about to say ‘of course, not’ when I heard someone from the background talking to him. I remained silent, with no intentions of eavesdropping but I got no choice but to hear what the other guy was saying.

“Okay na lahat, pare. Kita na lang tayo sa school mamaya.”

“Ha? H-hindi ako papasok.”

“Anong hindi papasok? May amnesia ka na ba? Ngayon natin gagawin ‘yong—“

Then there was silence. Hindi ko na marinig kung ano ang sinasabi nung lalaki kay Aaron. I know, it’s wrong to eavesdrop but my curiosity got me thinking… What was that about?

After a few more minutes ay nag-hello na ulit si Aaron sa kabilang linya.

“I’m sorry about that. ‘Yong ka-dorm ko kasi, kinukulit akong pumasok.”

“Oh,” was the only word I managed to say.

“Ma-le-late ka na, sige na.”

Something’s not right. He’s hiding something away from me. “Okay.”

Pumasok ako sa Harrison nang may bumabagabag sa isip ko. Hindi ako sigurado kung ano, pero sigurado akong may kakaibang mangyayari ngayong araw na ito.

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon