CHAPTER 27

4.2K 89 22
                                    

Paul’s POV

“Oo, kalalapag lang ng eroplano.”

“Good! Pinapasabi ng Mom mo na dalawin mo daw si Tita Sandra d’yan if ever may time ka.”

“Okay.”

Ipinasok ko agad ang cellphone ko sa aking bulsa at saka humarap kay Aaliyah.

“Dumiretso na tayo sa hotel. Pagod na ako,” saad niya nang hindi man lang tumitingin sa akin. Niyaya na rin niya si Carol na siyang representative speaker namin.

Nakarating kami sa hotel after about an hour. Magka-tabi lang ang kuwarto namin. Sila ni Carol ay nag-share sa iisang kuwarto at ako nama ay mag-isa lang. Hindi ko pa man naii-ayos nang mabuti ang mga gamit ko ay muli na namang tumawag si Mhina.

“Kung maka-tawag ka, akala mo naman ang lapit nati. Nag-sasayang ka ng load,” paunang bati ko nang sagutin ko ito.

“Duh? What’s the use of roaming?” mataray na tugon niya. “Anyway, nakarating na kayo sa hotel?”

“Oo. At kapapasok ko lang ng kuwarto ko nang bigla mo na naman akong istorbohin.”

“Ang sungit mo forevs.”

“Bakit ka  na naman tumawag?”

“Gusto ko lang tanungin kung kamusta naman ang atmosphere sa pagitan niyo ni Ali.”

“Walang atmosphere.”

“Huh?”

“She’s avoiding me.”

“Duh? Expected na ‘yon, ‘no. Ikaw naman kasi ‘tong unang umiwas sa kanya.”

“Makikipag-chismisan ka lang ba at walang importanteng sasabihin? Kasi obviously, inaantok na ako,” saad ko at saka nahiga sa kama without even bothering to remove my shoes.

“Actually, meron akong sasabihin.”

“Ano?” I said between my yawn.

“Useless ang pag-iwas mo kay Ali.”

“Bakit?” I asked, couldn’t almost hear and understand what she was saying. Parang biglang hinila ng antok ang buo kong katawan.

Kinabukasan ay nagising na lang ako na hawak-hawak ang cellphone ko. Bigla kong naalala na nakatulugan ko pala si Mhina at hindi ko na alam kung ano pa ang mga sumunod na sinabi niya sa akin.

Nang bumaba ako sa lobby ay nakita kong nandoon na sina Ali at Carol na naghihintay sa akin. Hindi pa naman ako late dahil ang convention ay magsisimula pa ng 10 o’clock a.m.

“Bakit hindi mo dala ang gamit mo?” tanong ni Carol nang makita niya akong palapit sa kanila.

“B-bakit?”

“Kagabi lang naman ang stay natin dito,” paliwanag niya. “Doon na tayo sa Marina Bay Sands tutuloy hanggang bukas. Doon gaganapin ang convention.”

“Oh.”

“Hindi mo ba binasa ‘yong text ni Camille?” tanong niya pa.

Umiling ako bilang sagot at saka nag-paalam sa kanila na kukuhanin ko lang ang maleta ko. Good thing at hindi ko pa inilalabas ang mga gamit ko mula doon. They both patiently waited for me in the lobby at sabay-sabay kaming nag-check out.

Nang makarating kami sa Marina Bay Sands ay unti-unti nang napupuno ang convention area nila ng mga representatives mula sa iba’t-ibang bansa. We found our table near the stage. Kasama namin sa table ay ang mga representative from South Korea and New York, ngunit pare-pareho pa rin silang hindi dumadating.

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon