CHAPTER 6

8.2K 180 25
                                    

July 201*

“So, this will be your first task together. Nandyan na lahat ng kailangan ninyong gawin, pati ang deadline of submission. Since it’s almost August, kailangan na nating mag-labas ng bagong issue ng school paper,” tuluy-tuloy na paliwanag ni Charlie.

Ang buong akala ko noon ay lalaki ang Charlie Mendoza na nag-text sa akin pero mali pala ako. Babae pala siya at ka-batch ko lang. Dini-discuss niya sa amin ngayon ni Aaliyah ang magiging first task namin together.

Iniabot niya ang isang folder kay Aaliyah at agad naman nitong tinanggap iyon. Nagpa-alam na rin siyang aalis dahil may klase pa kaya kami na lang dalawa ni Aaliyah ang naiwan sa office.

“Here.” Inabot niya sa akin ang folder matapos niya iyong i-scan.

Hindi ko pa man nasisimulang basahin ay nag-simula na siyang mag-paliwanag. “We have to go to a province. Doesn’t matter if North or South.”

“Huh?”

“Kailangan kasi nating gumawa ng article about sa mga estudyanteng galing sa probinsya.” Nagsasalita siya ng hindi tumitingin sa akin at tila nag-iisip ng malalim. “Pwede nating gawing subject ‘yong Letting Go.”

Hindi ko na itinuloy pang basahin ang nakalagay sa folder dahil mukha namang wala siyang balak na hayaan akong gawin iyon. Mukhang mas gusto niya na siya na ang mag-discuss noon sa akin. And I liked it – the idea of her speaking to me like this.

“Catchy ‘yon sa mga estudyante. Aakalain nila about love ang topic pero while reading the article, they’ll slowly find out it’s about leaving the place where they grew.” Humarap siya sa akin at ngumiti. “What do you think?”

“I think it’s great.”

“Yeah, because I’m great!”

Pinilit ko ang sarili kong huwag ngumiti o ipakitang natutuwa ako sa kanya dahil hangga’t maaari, gusto kong isipin niya na hindi ako interesado sa kanya.

“You didn’t even allow me to read this,” sabi ko habang ipinapakita sa kanya ang folder. Magsasalita na sana siya para kumontra pero inunahan ko na siya. “So, anong probinsya ang pupuntahan natin?”

“You choose,” mahinahong sabi niya. “Pero it’s better if somewhere North like Baguio? ‘Yong afford lang din ng budget ng HA.”

“Batangas.”

“It’s on the South. Much better kung Baguio kasi mas ramdam mong probinsya ‘yon. Isa pa, according to this year’s survey, maraming students ang Harrison na from Baguio. It’s on the third spot.”

“Why don’t we go to the province on top?”

“It’s impossible. Masyadong malayo ang Davao.”

“Then, we’ll go to Batangas.”

Nag-pout siya at saka umiling-iling. “Mas okay kung sa Baguio.”

“Sabi mo, ako ang mamili?” wari’y iritang saad ko.

Natigilan naman siya. She bit her lower lip at agad naman akong umiwas ng tingin.

Stop doing that. Tss!

“S-sorry. Sige, sa Batangas tayo.”

I smirked and started collecting my things. “Baguio. This weekend,” sabi ko at saka inabot sa kanya ang folder. Tila natulala siya sa sinabi ko kaya lalo akong napangiti. Mabilis din akong umalis ng office para hindi na niya ako mahabol pa.

Noong Biyernes ng gabi ay napag-desisyunan kong umuwi sa bahay at kumuha ng ilang damit na magagamit ko sa Baguio kinabukasan. Tinawagan ko rin si Mhina na pumunta sa bahay dahil gusto ko nang sabihin sa kanya ang mga ginagawa ko. Kailangan ko rin ng taong makakapag-payo sa akin kung tama ba itong naging desisyon ko. Ayoko ring itagong secret ito sa lahat.

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon