CHAPTER 5

8.5K 195 33
                                    

Paul’s POV

“You have wonderful write-ups and poems, Mr. Salcedo. I’m impressed!”

“Thank you.”

Inilahad ni Ate Camille, ang President ng Harrison Advocate, ang kamay niya sa akin upang makipag-handshake. Agad ko namang tinanggap iyon.

“Welcome to the HA Family!”

Muli akong nagpasalamat sa kanya at kinuha ang folder para sa unang article na kailangan kong gawin sa July issue ng school paper.

Katatapos lang ng final interview at brief exam ko as a new writer ng HA at masaya ako dahil na-impress ko si Ate Camille at agad niya akong tinanggap.

“Here. Please write your free time. ‘Yan ‘yong mga oras na dapat ay nandito ka sa office. We all know naman na we have different schedules.”

Agad kong inilista ang mga oras na vacant ako. Wala muna akong balak na sabihin kay Mhina ang tungkol dito dahil ayaw kong asarin niya ako at ipagmalaki sa akin na siya ang nag-pasa ng application form ko.

“Hi, Ate Cams!”

Bigla akong natigilan sa pagsusulat nang marinig ko ang boses ni Aaliyah mula sa likod ko. Naupo siya sa reclining chair sa tapat ko at tila hindi naman niya ako napansin.

“Here,” saad niya habang inaabot ang isang brown envelope kay Ate Camille. “For next month’s issue.”

“Wow! This is way too early for July, Ali.”

I’m still not used to people calling her by Ali. Ang pinapayagan lang kasi niyang tumawag sa kanya noon ay si Demi. At gustung-gusto niya na kinukumpleto ng mga tao ang pangalan niya.

“Marami pa kasi akong gustong gawin, Ate Cams. Kaya inagahan ko na,” paliwanag niya.

“Great!” natutuwang pahayag ni Ate Camille. Bumaling naman siya sa akin at saka tumayo mula sa upuan niya. “Are you done, Mr. Salcedo?”

Bago pa man ako makasagot ay naunahan na ako ni Aaliyah.

“Justine?”

Tumingin ako sa kanya at bahagyang ngumiti.

“Gosh! Ikaw nga!” nakangiting saad niya. “What are you doing here?”

“So, you know each other.”

“Nakilala ko siya no’ng welcome party ng freshmen,” paliwanag ni Aaliyah. Muli naman siyang bumaling sa akin. “So, ano ngang ginagawa mo dito?”

“He’s one of our new writers, Ali.”

Tila naman nagulat siya sa sinabi ni Ate Camille. Inilapit niya ang upuan niya sa akin at saka ako tinitigan.

Oh, God. Stop her.

Pinilit kong iwasan ang tingin niya pero hindi ko magawa. Parang may sariling isip ang mga mata ko at kusang nag-desisyon na titigan din siya pabalik.

“You don’t look like you write,” sabi niya. “Ang galing! Congratulations!” Inilahad niya ang kamay niya sa akin para makipag-handshake.

Tinitigan ko lang iyon for a while at nag-desisyon na huwag iyong tanggapin. “Thanks,” tipid na sagot ko.

Halata ang disappointment sa mukha niya ng i-decline ko ang offer niyang makipag-handshae. This wasn’t the first time I did this to her. Pero as long as I can, kailangan kong iwasang mahawakan ang mga kamay niya. Hindi maaaring mag-dikit ang mga kamay namin.

“It’s good to know na magkakilala kayo. Hindi na kayo mahihirapang mag-trabaho as partners,” pahayag ni Ate Camille na tila binabasag ang katahimikang namumuo sa pagitan namin ni Aaliyah.

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon