CHAPTER 8

7.8K 156 18
                                    

Marami nang na-capture na tanawin sa Burnham Park si Aaliyah sa loob pa lang ng thirty minutes. Ako naman ay sumusunod lang sa kanya habang nag-nonotes ng mga bagay na makikita dito na maaari kong magamit sa gagawin kong article. Mayroon din kaming nakausap na ilang mga magulang na sa Manila nag-aaral ang mga anak nila. Sa tingin naman namin ay malaki ang maitutulong noon sa’min lalo na’t hindi naman namin nakausap ang mga magulang ni Arvie.

Maya-maya’y nag-aya si Aaliyah na mag-pahinga daw muna kami at hintaying lumubog ang araw dahil pagabi na rin naman.

“Alam mo, ang tahimik mo,” sabi niya nang hindi tumitingin sa akin. Hindi ako umimik at sa halip ay ibinaling ko ang tingin ko sa papalubog na araw. “Hindi ka ba natatakot mapanisan ng laway?”

“Alam mo, ang daldal mo. Hindi ka ba natatakot maubusan ng laway?” sarkastikong tanong ko pabalik.

Napatingin naman siya sa akin at saka tumawa sandali. “Hindi. May tubig naman kapag naubusan ako ng laway, e.”

“Alam ko,” ang tanging nasabi ko.

“Alam mo din ba’ng ang sungit mo?”

“Alam ko.”

“Alam mo din ba’ng ang boring mong kasama?”

“Alam ko.”

“Alam mo din ba’ng ang gwa— este sagwa ng itsura mo kapag naka-simangot?”

I grinned. “Alam kong gwapo ako.”

Tila natigilan naman siya at biglang napakagat sa lower lip niya. Agad niya ring iniwas ang tingin niya sa akin. Sa mga sandaling iyon ay nanatili lang siyang tahimik at ako naman ay gano’n din ang ginawa.

Suddenly, she heaved a sigh at saka muling nag-salita nang hindi ako tinitignan. “Mag-kwento ka naman.”

“Ayoko,” tugon ko.

This time, tumingin na siya sa akin. “Ako na lang ang mag-kukwento kung ayaw mo,” saad niya at saka nahiga sa damuhan. Hindi ako umimik at sa halip ay hinintay ko na lang siyang muling mag-salita. Gusto ko ring malaman kung ano’ng i-kukwento niya. “Tutal, hindi naman tayo talaga magkakilala, siguro mas maganda kung mag-kwento ako.”

“Alam mo bang hindi ko kilala ang sarili ko?” panimula niya. Tila bigla naman akong natigilan nang tanungin niya iyon. Parang ayaw ko na tuloy siyang pag-kwentuhin. “I can’t tell you exactly why. Pero hanggang ngayon, isang misteryo pa rin ang pagkatao ko sa sarili ko. Parang mas kilala pa nga ata ako ng ibang tao kaysa sa sarili ko, e.”

Hindi ko na napigilang magtanong ng, “Bakit?”

“Masyadong kumplikado,” sagot niya. “Have you ever felt so incomplete?” she paused. Para bang naghihintay siya ng sagot ko na hindi naman dumating.

Oo, Aaliyah. Matagal ko nang nararamdaman ‘yan. Simula pa lang noong umalis ako papuntang Singapore, hindi ko na ulit naramdaman kung paano ang maging buo. I have always felt incomplete ‘cause I’ve been missing a big part of me – you.

Gustuhin ko mang sagutin ang tanong niyang iyon ay hindi ko ginawa. Hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin ko sa kanya ang totoo.

“If you ever felt that way, I guess you’ll understand what I’m going through right now. Isang napakalaking parte ng buhay at pagkatao ko ang nawala sa akin. It’s depressing, right?” I heard her snickered. “Alam mo ‘yong feeling na kailangan kong gumising araw-araw at palakasin ang paniniwala kong someday… I’ll be finally whole again? Kahit na alam ko sa sarili kong imposible nang mangyari ‘yon. But still, I’m hoping. Someday.”

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon