CHAPTER 13

7K 105 12
                                    

Awkward. ‘Yan ang pinaka-appropriate na salita para i-describe ang sitwasyon sa pagitan naming dalawa ni Aaliyah ngayon. Simula nang sumakay kaming bumalik siya sa hotel kanina ay tahimik lang siya at hindi ako halos kinikibo. Hanggang ngayong malapit na kami sa Manila ay tahimik pa rin siya. Ni-hindi nga ata siya natulog sa biyahe hindi katulad ko.

Hindi ko naman siya siguro masisisi kung nakakaramdam siya ngayon ng awkwardness dahil alam kong ako naman talaga ang dahilan. ‘Yong mga sinabi ko sa kanya kanina.

Should I not have said those? Tss. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Na-miss ko siya ng sobra, e. Ano ba’ng magagawa ko?

“Thanks. I’ll see you tomorrow,” paalam niya nang makababa kami ng bus. Tuluy-tuloy siyang nag-lakad papunta sa sakayan ng mga taxi.

Without thinking twice, I walked after her.

“Wait lang,” pigil ko sa kanya ng maabutan ko siya. “Ihahatid na kita.”

“H-huwag na. Kaya ko na.”

“It’s not a question. It doesn’t require an answer, you know?” seryosong pahayag ko at saka pumara ng taxi.

Binuksan ko ang pinto sa back seat at saka siya pinapasok. Noong una’y parang ayaw pa talaga niya kaya tinitigan ko lang siya na para bang sinasabing ‘sasakay ka o bubuhatin kita papasok sa loob?’.

After a short while, she rolled her eyes at saka wari’y padabog na sumakay.

Ako naman ay doon sa passenger’s seat umupo para hindi na siya masyadong ma-awkward.

Noong muli ko siyang tignan ay nakapikit na siya. Malamang ay tulog na siya ngayon dahil alam kong pagod siya sa biyahe. Siguro’y nagulo ang isip niya kanina kaya gising lang siya sa buong biyahe pabalik ng Manila.

Mali ata talaga ang move ko na ‘yon, ah. Tss.

Makalipas ang halos isang oras ay huminto na ang taxi sa tapat ng bahay nila. Nag-pasalamat lang siya sa akin noong makababa siya. Ni-hindi man lang niya ako tinignan noong sinabi niya iyon. Hindi ko na rin piniling bumaba para ihatid siya sa mismong bahay nila dahil ayaw ko nang lalo siyang ma-awkward sa akin.

Sa dorm na ako umuwi dahil lagpas ala-una na rin ng madaling araw nang makarating kami sa bahay nila Aaliyah. Hindi ko na rin nagawa pang mag-bihis dahil nang makahiga ako sa kama ko ay doon ko lang naramdaman ang pagod.

I tried to think of the things I did when we were in Baguio but my mind’s messed up. Masyado nang pagoda ng utak ko kaya pinili ko na lang pumikit. And just before I felt like sleeping, my body already did.

Kinabukasan.

Sobrang sakit ng ulo ko at para bang magkakasakit nang magising ako sa tunog ng alarm ko. Mabilis akong naligo at nag-bihis ng uniform para pumasok na.

Pagdating ko sa HA Office ay si Ate Camille lang ang naabutan ko doon.

Ang sabi niya’y dumaan na daw dito si Aaliyah kanina at mabilis ring umalis dahil may klase pa ito. Ako naman ay ganoon rin ang ginawa ko. Nag-report lang ako sa kanya sandali at mabilis na ring nag-tungo sa first class ko.

Kabubukas ko pa lang ng pinto ng classroom ay natigilan na ako dahil biglang may tumawag sa akin.

“Paul!”

Agad akong napatingin sa likuran ko upang tingnan kung sino iyon.

“Nica. Bakit?” tanong ko nang makalapit siya sa akin.

Nag-sign siya na ‘wait lang’ gamit ang kanang kamay. Halatang hinihingal siya sa paghabol marahil sa akin.

I waited.

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon