CHAPTER 30

3.2K 63 4
                                    

“Mahilig ka pa rin ba sa paru-paro?” tanong ni Miguel sa akin nang makababa kami mula sa cable car.

Hindi agad ako naka-sagot dahil sa pagka-mangha ko sa Sentosa Island. Dahil almost 7 PM na ng gabi ay punung-puno na ng ilaw ang paligid.

“Ang ganda, ‘no?” ang tanging nasabi ko at binalewala ang tanong niyang hindi ko naman gaanong naintindihan.

“Ang ganda. Sobra.”

Napa-tingin ako sa kanyang bigla at hindi ko naman inaasahang makita siyang naka-titig sa akin. Parang nakaramdam tuloy ako ng awkwardness dahil doon kaya pinili ko na lang na tanungin siya kung ano na nga ba ang sinasabi niya kanina.

“Sabi ko, kung mahilig ka pa rin ba sa butterflies?”

“Ah…” I said, trying to focus on what he was saying. “Oo?”

“Bakit pa-tanong naman ‘yang oo mo? Hindi ka sigurado?” Hindi naman siya mukhang nagtataka noong tinanong niya iyon. In fact, naka-ngiti pa nga siya na parang nagbibiro lang ako.

“I mean, oo. Pero hindi na kasi ako madalas nakaka-bisita sa butterfly garden,” I cleared myself. Naintindihan ko na kung bakit ganoon ang tanong niya. Naalala kong nabanggit sa akin ni Demi noon na isa sa mga pinupuntahan namin madalas ni Justine noon ay ang butterfly garden sa school. “Uhm. Bakit mo pala natanong?”

“May butterfly park kasi dito. Kaya lang, gabi na. Baka hindi mo na rin ma-appreciate puntahan. Isa pa, nagugutom na rin ako,” sabi niya sabay himas sa tiyan niya. “Kain tayo?”

I shrugged.

Nag-lakad kami side by side at walang umiimik sa amin. Hindi rin ako mapakali dahil hindi ko alam kung paano ako makikitungo sa kanya at hung ano’ng dapat kong ikilos ngayong kasama ko siya.

Tumigil kami sa harap ng isang restaurant. Mula sa labas ay halatang mamahalin na ang mga pagkain doon. Nag-patuloy lang siya sa paglalakad at ako naman ay huminto doon sa entrance. Ilang sandali pa ay napansin niya akong nakatayo lang doon. Nag-lakad siya pabalik sa akin at hinawakan ang kaliwang kamay ko.

“Tara na sa loob. Gutom na talaga ako,” saad niya at saka ako hinila papasok.

Bago tuluyang pumasok ay pumiglas ako sa pagkaka-hawak niya.

“Bakit?”

“Wala kasi akong pambayad d’yan,” mahina at medyo nahihiyang saad ko pa.

Bigla naman siyang tumawa ng malakas. “Iyon lang ba? E pwede ka namang mag-hugas ng pinggan pagkatapos,” sabi niya at saka nagpatuloy sa pag-tawa.

Sinimangutan ko siya at saka binatukan.

“Aray ko naman!” reklamo niya sabay himas sa ulo niya. “Tara na kasi sa loob. Gutom na talaga ako. Ayaw mo namang ikaw ang kagat-kagatin ko d’yan at gawing dinner ko, ‘di ba? Sige ka, anaconda pa naman ‘tong nasa tiyan ko.”

“Wala nga kasi ak—“

“Akong bahala, okay?” he said, assuring me. Hinawakan niyang muli ang kamay ko at saka kami nag-lakad papasok sa loob. This time, hindi na ako pumalag dahil bigla na rin akong nakaramdam ng pag-kulo ng tiyan ko.

Pagpasok pa lang ay namangha na naman akong muli. Sobrang elegante sa loob ng The Knolls (‘yong pangalan ng restaurant na nabasa ko kanina bago pumasok). Hindi na ako magtataka kung libo ang magagastos ni Miguel dito kahit na kaming dalawa lang ang kakain. At isa pa, hindi rin guaranteed na ang libong iyon ay makaka-busog ba sa tiyan ko. Pero bahala siya. Siya naman ang gagastos.

“Reservation for Miguel Antonio,” sabi ni Miguel doon sa receptionist.

“Nagpa-reserve ka na dito?” gulat na tanong ko sa kanya. So, this was already planned. Nice.

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon