CHAPTER 14

6.5K 103 6
                                    

August 201*

Marami ng tao nang makarating ako sa Ashford. Halos lahat rin ng makasalubong ko ay binabati ako at tumatango naman ako bilang pagbati pabalik sa kanila.

Ang una kong ginawa ay ang mag-tungo sa gathering hall kung saan gaganapin ang reunion namin ng mga batchmates ko. Madalim na doon kaya’t wala rin namang nakapansin sa pagdating ko.

Hindi ko rin alam kung ano pa nga ba ang ginagawa ko rito. I don’t have the certainty why really, did I go here. It’s a given reality that I went here because of Aaliyah. But what about her?

Hindi ko nga alam kung ano’ng gusto kong mangyari.

I didn’t even think kung ano’ng magiging reaction niya kung makita niya ako dito ngayong gabi.

Nang makapag-isip nang mabuti ay pinili ko na lang na tumayo at lumabas ng gathering hall. Nag-lakad ako papunta sa garden ng school at doon nag-muni muni.

Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng mga footsteps. Maya-maya pa’y nakita ko ang isang anino ng babae.

“I knew it! Pupunta ka,” mayabang na saad ni Demi nang makita niya akong nakaupo sa isa sa mga benches sa garden. Naglakad siya palapit sa akin at saka tumayo sa harap ko. “Why are you here?”

“Actually, aalis na ako,” saad ko nang hindi tumitingin sa kanya at saka tumayo.

Nagsimula na akong mag-lakad but it wasn’t too fast she was able to catch me.

“Not so fast, Mr. Salcedo.”

“I’ve nothing to do here.”

“Why did you come in the first place?” mataray at wari’y nagyayabang na tanong niya. “Come on, Paul. We both know why you’re here.”

Bago pa man ako makapag-salita ay bigla nang nag-ring ang cellphone ni Demi na nasa maliit na pouch na dala niya. Bago pa niya iyon sagutin ay sumenyas pa siya sa akin na her eyes were on me at hindi ako pwedeng umalis nang walang permission niya.

“Yes, Ali?” saad nito sa kabilang linya. May diin pa ang pagkakasabi niya sa pangalan ni Aaliyah na animo’y nang-aasar pa.

Napailing na lang ako at nag-simulang mag-lakad paalis.

“P-paul! Wait!” rinig kong tawag niya sa akin. “Ay Ali, w-wala. Sige, pupunta na ako.”

Hindi na ako sinundan pa ni Demi at narinig ko na lang ang pag-takbo niya paalis ng garden.

Walang-malay na dinala ako ng sarili kong mga paa sa isang lugar na pinaka-iniiwasan ko. Hindi ko na rin napaigilan ang sarili ko. Para bang may nagsasabing kailangan kong makita ang lugar na ito ngayon. Para bang may nagtutulak sa akin na pumunta rito.

Ganun pa rin ang butterfly garden. Walang pinagbago bukod sa mga paru-parong mukhang mas dumami pa. Nagkaroon rin ng mga alitapatap na nagsisilbing liwanag sa lugar na ito. It was a nice feeling to be back again. To see this place and to have my feet on this. After almost two years, ngayon ko lang ulit naramdaman ang feeling of serenity na dulot ng lugar na ito. But at the same time, ramdam ko rin ang bigat na dulot ng mga alaalang naiwan dito.

“I didn’t try chasing you the moment you left me here. Natakot ako na baka sa mga panahong wala ako sa tabi mo ay magmahal ka ng iba. Natakot ako na baka sa loob ng isang taon na hindi mo ako nakikita ay magbago ang nararamdaman mo sa akin.”

“Pero hindi nangyari iyon, Paul. I’m still here.”

“Ayoko nang masaktan ka dahil sa’kin. Hindi ko na kayang tumakbo para habulin ka.”

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon