Chasing Love (Hopeless Love Book 2)

29.7K 399 77
                                    

COPYRIGHT INFRINGEMENT IS A CRIME. Any form of copying, reproducing, or distributing this story without the author/writer's consent is against the law and is therefore punishable.

Chasing Love
a novel by:
The8thWorldWonder
(Shiela Marie Fernando)

All Rights Reserved. 2014.

---------------

PROLOGUE

            Paano kung ‘yong nag-iisang taong minahal mo ay makalimutan ka? Hindi ba, masakit? Pero kung iyon naman ang hiniling mo mula sa kanya, hindi ba dapat ay masaya ka? Kasi ibinigay niya sa’yo kung ano ang gusto mo.

Masakit isipin na ‘yong nag-iisang taong nagparamdam sa’yo ng totoong pagmamahal ay nag-desisyon na kalimutan ka na. Pero wala nang mas sasakit pa kung literal na mabura ka sa alaala niya.

Hindi na niya ako naaalala. Nakalimutan na niya kung sino ako sa buhay niya. Kahit na mismong pangalan ko ay hindi niya alam. She acts as if I were invisible, as if I don’t exist. And I asked for it. Hiniling ko sa kanyang kalimutan na niya ako. Pero hindi sa ganitong paraan.

“Sino kayo?” Dalawang salita lang ito. Pero ang dalawang salitang ito ay napaka-makapangyarihan. Halos maguho ang mundo ko ng marinig ko ang mga katagang ito mula sa kanya.

She doesn’t remember her family.

She doesn’t remember her friends.

She doesn’t remember who she is.

She doesn’t remember me.

She has lost her memories.

She’s got amnesia from a car accident.

Pero kung tutuusin, ako ang may kasalanan ng lahat. Kung hindi ko siya sinaktan – kung hindi ko hiniling sa kanya na kalimutan na ako – hindi sana siya tatakbo palayo sa akin at hindi sana siya masasagasaan ng isang napaka-bilis na sasakyan.

I should be thankful to her that finally, she has already forgotten about me. But I am not. I never wanted this to happen. There’s no one to blame but me.

When I asked her to run away from me, libu-libong kilometro na naman ang kailangan kong takbuhin para muli siyang maabutan. Pero no’ng nakalimutan niya ako, hindi ko na masukat kung gaano kahaba ang kailangan kong takbuhin para maipaalala sa kanya kung sino ako sa buhay niya.

The love I have for her is not hopeless. It was never hopeless.

I have to run after her… I have to chase her again.

I have to chase this love no matter how hard, no matter how long this would take. Because I believe that someday, somehow, our paths will cross again, and I will again be able to hear her say “I got chased”.

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon