CHAPTER 7

8K 170 14
                                    

“We’re here!” masayang saad ni Aaliyah nang makitang patigil na ang bus sa tapat ng hotel na tutuluyan namin.

Agad kong kinuha ang gamit ko at naunang bumaba ng bus. Narinig ko ang paghi-himutok niya na hindi man lang daw ako nagpaka-gentleman at tinulungan siyang dalhin ang gamit niya.

“W-wait. Isang room lang ang kinuha mo?”

“Iyon lang ang kaya ng budget na binigay sa’tin ni Ate Cams.”

“You know that I’m a guy,” saad ko.

“Oh. Really?” natatawang sabi niya. Kumunot ang noo ko at wari’y tinitigan siya ng masama kaya pilit niyang pinigilan ang pag-tawa. “Duh? Ang arte mo naman. As if naman haharassin kita, ‘no. Of course, not!” Nag-simula siyang mag-lakad papunta ng elevator at ako naman ay walang nagawa kundi ang sumunod na lang. “Isa pa, dalawa naman ang bed kaya hindi ka matutulog sa couch.”

Nasa mataas na lugar ang hotel na tinuluyan namin kaya kahit na nasa third floor lang ang kwarto namin ay maganda na ang view. Wala na akong nagawa no’ng inunahan ako ni Aaliyah na pumwesto sa kama na malapit sa bintana.

Agad akong nahiga sa kama ko at nag-desisyong matulog muna. Kapipikit ko pa lang nang biglang may nag-tatalon sa kama ko.

“Wake up! Kailangan pa nating pumunta sa bahay ng kaibigan ni Ate Cams!” malakas ang boses at natatawang saad niya.

“Inaantok pa ako,” sabi ko at saka nag-takip ng unan sa mukha. Pinili kong panatilihing nakabukas ang mga mata ko dahil hindi naman talaga ako inaantok.

Naramdaman ko naman ang pag-tigil niya sa pag-talon at maya-maya pa’y umupo siya sa tabi ko.

“Grabe ka naman! Ang sarap nga ng tulog mo sa bus kanina, e.” Sinundot-sundot niya ako sa tagiliran pero wala namang epekto sa’kin dahil wala naman akong kiliti doon. “Wow. Wala kang kiliti sa bewang? Astig!”

“Justine?” mahinang tawag niya sa akin. “Huwag mo ‘kong tulugan! Isusumbong kita kay Ate Cams, sige ka. Bago ka pa lang sa HA, ang tamad mo na. Jusko, Lord!”

Hindi ko napigilang matawa dahil sa expression niyang ‘Jusko, Lord’ dahil hindi naman niya karaniwang sinasabi ‘yon noon. Ang dami na talagang nag-bago sa loob ng mahigit isang taon.

“Ano’ng tinatawa-tawa mo dyan?”

Imbes na sagutin ang tanong niya ay bumangon na ako at saka kumuha ng jacket mula sa bag ko. Kinuha ko na rin ang laptop ko at ilang writing materials. Lumabas na rin ako agad ng kwarto matapos ayusin ang sarili at mga kailangan ko, at naramdaman ko naman ang pagmamadali ni Aaliyah para makahabol sa akin.

Halos thirty minutes din ang naging byahe namin papunta sa bahay ng kaibigan ni Ate Camille na iinterview-hin namin. Isang matandang lalaki ang bumungad sa amin sa pagpasok namin sa bahay nila. Familiar ang matandang ito sa akin pero hindi ko na din halos matandaan kung saan at kailan ko ba siya nakita.

“Iha,” naka-ngiting bati niya kay Aaliyah.

“Magandang umaga po, Lolo,” magalang na bati naman pabalik ni Aaliyah.

“Natatandaan kita,” sabi ng matanda habang hinahawakan ang kamay ni Aaliyah na ginamit nito upang mag-mano sa kanya.

Tila pagtataka naman ang gumuhit sa mukha ni Aaliyah dahil sa sinabi ng matanda. Tumingin siya sa akin na parang tinatanong ako kung ano ang ibig-sabihin ng matanda. Nagkibit-balikat lang ako bilang sagot. Maya-maya pa’y binaling ng matanda sa akin ang kanyang atensyon.

“Ikaw, iho. Ikaw ‘yong lalaking nag-iiwan ng halaman noon sa sanctuary,” sabi niya sa akin na may ngiti sa kanyang mga labi. “Mabuti naman at nagka-tagpo na kayong dalawa,” pagpapatuloy niya pa.

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon