CHAPTER 23

5.5K 96 19
                                    

Aaliyah's POV

Kung hindi ka tumakbo palayo sa akin.

Ilang linggo na ang nakaraan mula nang mangyari ang pag-uusap amin ni Justine sa butterfly garden ngunit hindi pa rin malinaw sa akin ang lahat. Parang mas lalo pa ngang gumulo. Lalo pang nadagdagan ng katanungan ang buhay ko.

Totoo pala ang sinasabi ng iba na… isa sa pinaka-mahirap na bagay sa mundo ay ang kilalanin ang sarili mo. Because the more answers you get, the more questions there is to be solved.

Magulo. Magulo ang utak ko. Kasing-gulo ng ugali ni Justine. Kasing-gulo ng mga impormasyong nalalaman ko tungkol sa pagkatao ko.

Bakit ba kasi nagkaroon pa ako ng amnesia? Bakit ako tumakbo palayo kay Justine?

Ang daming katanungan sa isip ko na hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang sagot. Sa totoo lang, before I met Justine… okay naman ako, e. Hindi ko iniisip ang nakaraan ko. Ni-hindi sumagi sa isip ko na gusto kong maka-alala. Pero nung dumating siya, biglang nag-bago ang lahat.

He made me feel as if I was missing my entire life. He made me feel as if I was the weakest person on Earth.

“Anak, nand’yan si Demi sa labas.”

“Sige po, Ma. Susunod na ako.”

Bago lumabas ng kuwarto ay sandali pa akong nag-isip-isip habang nakatitig sa sarili kong reflection sa salamin.

How do I look like 2 years ago? Parang wala namang nag-bago. Physically, yes. But everything inside me was not normal anymore. Everything seemed to be out of place. Pakiramdam ko ay wala ako sa sarili kong katawan.

How does it feel like to be complete again? I don’t know. I don’t know anything anymore.

I inhaled heavily once again and tried to clear my mind before facing Demi.

She was already drinking a glass of juice when I entered the living room. nang mapansin niya ang presensiya ko ay agad niyang ibinaba sa center table ang basong hawak niya. She smiled at me as if she didn’t know why I called her.

I settled on the couch beside her.

“What happened?” panimula niya na tila ba’y napakadali lang para sa kanya na tanungin iyon.

I shrugged ang gave her a quick glance. “He wouldn’t answer any of my questions.”

She gave me a tap on my shoulder. “Huwag mo na lang muna siguro siyang pilitin na mag-salita.”

“Demi…”

“Hmm?”

“Naging kami ba ni Justine?” Tumingin ako sa kanya at nag-hintay ng kasagutan.

Maya-maya pa’y umiling siya. “Hindi naging kayo, Ali.” She then paused for a while, composing her thoughts. “Almost… I think. You were almost there… pero parang may kung anong masamang hangin ang nag-taboy palayo ng mga tadhana ninyong dalawa.”

“Ang sabi niya kasi, hindi ako mababangga ng mabilis na kotse kung hindi ako tumakbo palayo sa kanya,” I took a breath. “I asked him why but he chose not to answer.”

“Hindi rin kasi ganoon kadali para sa kanya na ipaliwanag sa’yo ang lahat. He’s hurting, too, you know?”

“I know. Napapansin ko naman iyon,” I agreed. “Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi agad siya nagpa-kilala sa akin as Paul. I mean… hindi agad niya sinabi sa akin ang tungkol sa past namin. Na alam niya kung sino talaga ako. Na kilala niya pala ako more than I know myself.”

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon