CHAPTER 15

5.9K 100 8
                                    

Aaliyah’s POV

Mahigit isang oras na ang nakalipas ngunit hindi pa rin tumitigil ang malakas na pag-ulan. Wala rin naman akong napapala sa pag-dadaldal at pag-rereklamo ko dahil wala namang kwenta ang taong kasama ko.

Ewan ko ba kung may problema sa akin ‘tong lalaking ‘to o talagang ganito lang ang ugali niya. Minsan, mabait. Pero madalas naman sobrang sungit to the point na aakalain mong kaaway niya ang buong mundo.

“Justine?” mahinang tawag ko sa kanya.

Hindi siya sumagot.

“Sa tingin mo, babalik na din ang kuryente any minute?”

Wala pa ring sagot.

Nang maaninag ko siya ay nakita kong nakadukdok siya sa desk ng inuupuan niya. Lumapit ako ng bahagya.

“Are you awake?” tanong ko pang muli.

Sinundot ko pa nang bahagya ang tagiliran niya ngunit hindi siya gumalaw. Tulog na nga ata. Ugh!

Tulugan daw ba ako!? Kita na nga niyang matatakutin ako, e.

“Huy, Justine. Huwag mo naman akong tulugan.” Marahan ko siyang inalog-alog kahit alam kong hindi ko siya magigising.

“Hay, nako. Ang hirap talagang gisingin ng mga taong nagkukunwaring tulog.”

“I’m trying to sleep kaya kung pwede, manahimik ka!?” mariing pahayag niya. Maya-maya’y gumalaw siya ng bahagya upang ayusin ang pwesto niya.

Tumayo ako para sana muling lumabas pero natigilan ako nang may matapakan ako sa sahig. Dahil madilim ay nag-hesitate pa ako na kuhanin iyon gamit ang kamay ko kaya pinakiramdaman ko muna iyon.

Parang solid thing naman. Hmm? Medyo matigas.

Nang makapag-decide na hindi naman iyon mukhang delikado, agad akong yumuko at kinapa iyon sa sahig. Muli akong naupo sa tapat ni Justine.

“Wallet pala niya. Tsk. Pabaya sa gamit. Buti na lang at ako ang nakakuha.” Itatabi ko na muna sa table ang wallet niya nang biglang may mahulog mula rito.

Isang picture. Picture ni Justine at ng isang babae sa…

“Singapore ba ‘to? Oo, tama. Nasa Singapore ang Merlion,” mahinang saad ko sa sarili.

Payat, maputi, at maganda ang babaeng kasama niya sa picture. They looked like a couple except for the expression Paul was wearing on the picture. Hindi siya mukhang masaya hindi kagaya ng babae na halatang in love na in love sa kanya.

“Mr. Poker Face,” usal ko.

I turned the photo and saw a note written on its back.

Singapore 04/16/12

Pij,

You looked so pathetic on this photo.

Eww. Anyways, I still love you though.

Never forget me, alright?

Nelle

“Pij?” mahinang usal ko. “Baka tawag sa kanya ng girlfriend niya.”

Mukha ngang mahal na mahal ni Nelle si Justine. So, may girlfriend pala ang mokong na ‘to. “Hindi ako makapaniwala,” saad ko pa at saka napailing.

Muli kong tinitigan ang picture  nila at itinapat pa iyon sa liwanag. Ngayon ko lang napagmasdan iyon ng mabuti.

“Bakit parang pamilyar sa’kin ‘tong babae?” nagtatakang tanong ko sa sarili. I shook my head. “Baka nag-aaral din siya sa Harrison. Maybe I’ve seen her before I lost my memories. Hindi naman gano’n kahirap magkakilala ang mga tao sa Harrison.”

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon