CHAPTER 17

6.4K 100 18
                                    

“Saan ba kasi tayo pupunta?!” maktol ko nang mapansin kong palayo na kami nang palayo sa Harrison.

Justine smirked.

“Ano ba!? Hindi ako nakikipag-lokohan.”

“Neither do I.”

“Saan nga kasi tayo pupunta?”

“Sa Antipolo,” tipid na sagot niya.

Mabilis naman akong napatingin sa kanya dahil sa pagka-gulat. “What!?”

“You heard me.”

“Ang layo ng Antipolo from Manila!” singhal ko.

Tiningnan lang niya ako nang masama at saka sumandal sa upuan. Maya-maya pa’y ipinikit na niya ang kanyang mga mata.

Does he even know this is some kind of kidnapping!?

“So, ano!? Tutulugan mo lang ako dito!?”

Dumilat siya at muling tumingin sa akin. Thank God!

Ngunit lalo lang pala niya akong iinisin dahil wala naman pala siyang balak na kausapin ako.

Mula sa bulsa ng pants niya ay inilabas niya ang earpods niya at saka isinaksak sa magkabila niyang tenga. Maya-maya pa’y sunod niyang inilabas ang cellphone niya at saka nag-browse ng mga songs.

Dahil alam ko namang walang magagawa ang pag-mamaktol ko dito ay napag-desisyunan kong gayahin na lang siya. Kinapa ko ang bulsa ng skirt ko ngunit wala akong nakapang cellphone.

“Oh my God! ‘Yong bag ko!”

“Shh!”

I looked at him and rolled my eyes.

Paano na ako nito? Wala man lang akong dala na kahit ano. Wala rin akong kapera-pera. Jusko naman!

“Paano na ako uuwi nito?” mahinang bulong ko sa sarili habang padabog na sumasandal sa upuan.

My eyes slowly turned to Justine who has now closed his eyes. “Kasalanan mo ‘to, e. Pahamak ka talaga. Bahala ka dyan. Hihingan kita ng pera mamaya. Ang layo pa naman ng Antipolo! Ang mahal ng magagastos kong pamasahe! Ugh! Magkaka-utang pa ako sa’yo. Grrrr!”

“Ma’am? Okay ka lang?”

Napatingin naman ako sa rearview mirror kung saan nakatingin rin sa akin si Manong Taxi Driver.

“Hindi po, Kuya,” anas ko. “Ito kasing lalaking ‘to, maipilit lang ang gusto!”

Napailing si Kuya at saka ibinaling ang paningin sa daan. “Normal lang po sa mag-kasintahan ang ganyan, Ma’am. Kailangan may pinagbibigyan palagi.”

“Ha!?” pigil na sigaw ko. “Hindi kami mag-kasintahan, ‘no, Kuya. Hindi ko papatulan ‘tong mokong na ‘to.”

“Sus. Mga kabataan talaga ngayon, huling-huli na, ayaw pang umamin. Tsk tsk tsk!”

Jusko! Pati ba naman si Kuya, iinisin ako!? “Hay, nako, Kuya. Mag-drive ka na lang po d’yan.”

~*~

After almost two hours ay hininto ni Kuya Driver ang taxi sa tapat ng isang restobar.

Nang makababa ay ramdam ko agad ang lamig ngihip ng hangin. Para na rin akong nasa Baguio. Biglang na-refresh ang utak ko nang makita ko pa ang tanawin mula sa kinatatayuan ko.

Kitang-kita ko ang city.

“Mas maganda dito kapag gabi.” Napatingin ako sa left side ko at nakitang nakatayo na rin pala si Justine sa tabi ko.

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon