CHAPTER 2

10.8K 274 47
                                    

June 14, 201*

Marami na ang mga estudyanteng naghihintay sa quadrangle no’ng mag-dismiss ang professor namin. May welcome party kasi para sa mga freshmen this year. Hindi na ako kasali dito dahil nasa Junior Year na ako pero pinili ko pa rin ang manuod.

Nandito kasi si Aaliyah.

Second year college pa lang siya ngayon dahil tumigil siya ng isang taon dahil na rin sa kagustuhan ng mga magulang niya. Sa palagay kasi nila ay kailangan muna ni Aaliyah ng panahon para sa sarili niya, para makilala muna ang mga taong nakapaligid sa kanya. At hindi ako kasali do’n.

It was me who chose to not let her know me. Hindi kasi makabubuti sa kanya iyon. Hindi makaka-tulong sa pag-bawi ng mga alaala niya na nasa paligid niya ang mga taong naka-sakit sa kanya. Lalo na ako.

Sa isang taon na nakalipas, lagi lang akong nakabantay sa kanya. Alam ko kung saan siya makikita o mahahanap. Hindi na Accountancy ang course niya, kundi Photography. Dahil nahuli siya ng isang taon, hindi na sila palaging magka-sama ni Demi. Pero madalas, nakikita kong sinasamahan siya ni Aaron. Ayos lang naman iyon sa akin. Well, hindi talaga. Nakakaramdam kasi ako palagi ng matinding selos sa tuwing nakikita kong napapasaya niya si Aaliyah. Samantalang ako, ni-hindi ko man lang siya malapitan.

“Good evening, freshmen!” masayang bati ni Ate Arianne, ang president ng Central Student Government (CSG) ng Harrison.

Sari-saring sigawan naman ang iginawad sa kanya ng mga tao sa quadrangle. Sa ilang saglit lang ay nag-simula na ang welcome party.

Sakto naman na dumaan siya sa harap ko. Hindi ko na inalis ang tingin ko sa kanya simula nang makita ko siya. Dala-dala niya ang isang DSLR at nakasuot sa kanya ang isang malaking ID na nagsasabing official photographer siya ng school paper ng Harrison.

Masaya akong nakikita siyang masaya sa buhay na tinatahak niya ngayon. Kung titignan mo siya at hindi mo alam ang mga nangyari sa kanya, mukha lang siyang normal na teenager na walang problema at masayang ine-explore ang bawat bagay sa paligid niya.

“Paul!”

Tumingin ako sa taong tumawag sa akin at ngayon ay papalapit na sa akin.

“Nica,” bati ko.

“Hindi ka pa ba uuwi?”

Umiling lang ako bilang sagot. Lumapit siya sa akin at piniling maupo sa tabi ko. Medyo malapit lang ang inuupuan ko mula sa quadrangle at hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko kay Aaliyah.

“Tatapusin mo ang party?”

“Hindi ko alam.”

Si Nica ay kaklase ko simula first year pa lang. Naging kaibigan namin siya ni Nelle. Close sila pero alam kong hindi gano’n ka-open sa kanya ni Nelle kaya wala siyang gaanong alam tungkol sa aming dalawa.

“Tara, lapit tayo.”

Bago pa man ako makasagot ay hawak na niya ang braso ko hinihila na ako palapit sa mga freshmen na nasa harap ng quadrangle. Bigla na lang napatigil si Nica sa kalagitnaan ng paglalakad namin. Iyon pala ay dahil sa may nabangga siya.

“Ay, miss. Sorry.” Binitiwan niya ako at inalalayang tumayo ang babae. “Sorry po talaga.”

“Okay lang.”

Agad akong napalingon sa nagsalita. Si Aaliyah. Nasa harapan ko lang siya. Sa loob ng mahigit isang taon, ito na ata ang pinaka-malapit na distance sa pagitan naming dalawa. Hindi ko na napigilan ang pag-bilis ng tibok ng puso ko.

“Ikaw pala ‘yong photographer ng school paper.”

Tumagu-tango lang si Aaliyah bilang sagot. Hindi nawala sa labi niya ang ngiti.

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon