CHAPTER 4

9.2K 188 22
                                    

Aaron’s POV

Simula noong araw na malaman kong may lalaking nakilala si Aaliyah na nag-ngangalang Justine ay hindi na ako mapalagay. Agad kong naisip si Paul. His whole name was Paul Justine Salcedo. There was a big chance na siya ang Justine na tinutukoy ni Aaliyah pero malaki rin naman ang chances na hindi siya iyon. The thing was – hindi ko man lang natanong kay Aaliyah kung ano ang itsura ng Justine na nakilala niya.

“You’re late,” pambungad na bati agad niya sa akin.

“Maaga ka lang nakapag-bihis. Hindi ako late.”

Halos araw-araw ay sabay kaming pumapasok ni Aaliyah. Minsan ay hindi ko siya nasasabayan gawa ng mga practice ko sa basketball team ng Harrison. Pero dahil kasisimula pa lang ng semester, wala pang gaanong pressure sa team.

Hindi namin madalas mapag-usapan ni Aaliyah ang tungkol sa amnesia niya dahil siya na mismo ang nag-sabi na gusto niya munang ma-explore ang mga bagay-bagay. Isa pa, baka daw hindi pa siya ready na malaman ang buong katotohanan tungkol sa past niya.

She never heard of Paul. Walang kahit na sino ang nag-kwento ng tungkol dito sa kanya. Unang araw pa lang noon ng magising si Aaliyah ay nag-pasya na si Paul na lalayuan ito. Nag-bilin siya kay Mhina na kung maaari ay walang mag-babanggit kay Aaliyah ng tungkol sa kanya. Lahat naman kami ay sumang-ayon dito.

For some, si Paul ang sinisisi nila sa nangyari kay Aaliyah. Pero para naman sa iba ay walang dapat sisihin dito. For Paul, sinisisi niya ang sarili niya. Wala pa ring nakakaalam kung bakit tumatakbo palayo sa kanya si Aaliyah noong araw na ‘yon. Marahil ay masyado niyang nasaktan ito. Pero kung tutuusin, walang ibang dapat sisihin kundi ang driver ng kotseng naka-sagasa sa kanya.

“Ano’ng iniisip mo?” tanong ni Aaliyah mula sa backseat ng taxi.

“Wala,” matipid na tugon ko. Pero agad din akong muling nag-salita. “Remember, sabi mo sa’kin, may nakilala kang lalaki na ang pangalan ay Justine?”

“Yep. What about him?”

“Ano’ng itsura niya?”

“Oh.” Halata sa kanya ang pagka-gulat sa tanong ko. Pero agad din namang napawi iyon. “Singkit siya. Matangos ang ilong, maputi, mas matangkad siya sa’kin ng… maybe about two to three inches? I don’t know, really. That’s all I can remember.”

Si Paul nga.

“Why?”

“H-huh?”

“Bakit mo tinatanong, sabi ko?”

“Wala lang. Malay mo mukha palang sanggano ‘yong Justine na ‘yon. Gusto ko lang makasigurado,” pag-dadahilan ko.

Nakarating kami sa Harrison sa loob ng mahigit sa twenty minutes. Karaniwan ay inaabot lang kami ng fifteen minutes pero dahil sa unang linggo pa lang ng pasukan, expected na ang heavy traffic.

Hinatid ko si Aaliyah sa first class niya bago ako dumiretso sa sarili kong klase. Sa kabilang building pa ako kaya kailangan ko pang mag-lakad for about three to five minutes bago makarating.

Nang makababa ako ng building nila Aaliyah ay hindi ko inaasahang makakasalubong ko si Demi.

“Hey,” bati niya sa akin.

“Hey.”

“Hinatid mo si Aaliyah?”

I smiled at her and nodded.

“Ang tiyaga mo, ah.”

“I just want to make sure she’s fine.”

“Sige, mauna na ako. Kakausapin ko pa din kasi ‘yong babaeng ‘yon, e.”

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon