CHAPTER 22

5.7K 94 22
                                    

Mabilis akong nag-lakad palabas ng bahay nang marinig ko ang doorbell. Sembreak na at mag-isa lang akong naiwan dito sa bahay namin sa Alabang dahil gusto ko ring mag-advance reading. Hanggang sa tawagan ako ni Renzo dahil may mahalaga daw siyang sasabihin sa akin.

Pag-bukas ko ng gate ay agad sumalubong sa akin ang naka-ngiting mukha ni Renzo kasama si Lexie.

Buti pa sila, halos walang problema simula nang pumasok sila sa relasyon nila. Samantalang ako, heto at hindi pa rin makuha-kuha ang babaeng matagal ko nang hinahabol.

“Kamusta ka na, Paul?” panimulang tanong ni Lexie nang makaupo sila sa couch. Ako naman ay ngumiti lang sa kanya at saka nag-punta sa kitchen upang ipag-timpla sila ng maiinom.

Hindi ko naman namalayan ang pag-sunod sa akin ni Renzo hanggang sa tapikin niya ang balikat ko.

“Ba’t mo iniwan si Lexie do’n?”

Tumingin siyang saglit sa may sala at saka nagkibit-balikat. Maya-maya pa’y inakbayan niya ako. “See? Kaya kong iwan ang babaeng ‘yon para sa’yo, dude.”

Bigla ko siyang binatukan. “G*go! Tigil-tigilan mo nga ako. Tss.”

“Masakit ha!” sabi niya habang hinahimas wari ang ulo niya. “Naglalambing lang naman ako sa’yo! Ang tagal kitang hindi nakita tapos ganyan ka sa’kin? Ano’ng klaseng best friend ka!?”

“Ang bakla mo talaga.”

“Alam mo namang nagiging ganito lang ako dahil sa’yo, e.” Muli siyang lumapit sa akin at hinawakan ang braso ko. Agad ko namang iniwas ang sarili ko sa kanya. “Ang allergic mo naman sa’kin!”

“Mag-bebente anyos na tayo, ganyan ka pa rin umasta.”

“Mag-bebente anyos na tayo, hindi pa rin nagiging kayo ni Aaliyah.”

Wow That was a high blow.

Napailing na lang ako at saka nag-tungo sa sala kung saan naghihintay si Lexie. Naramdaman ko rin ang pag-sunod ni Renzo sa akin na naupo naman sa tabi ng girlfriend niya.

Ako naman ay nag-settle na lang sa tapat nila at saka ibinaling ang atensiyon sa TV. Ilang saglit pa ay narinig ko ang pag-ubo ni Renzo na nagsasabing bigyan ko naman sila ng pansin. Tumingin ako sa kanya at saka hinintay siyang mag-salita.

Bumaling siya kay Lexie at saka nagpa-cute rito. Tss. “Ikaw na lang ang mag-sabi, by,”

Bi? Psh. Corny.

Tumango naman si Lexie at saka tumingin sa akin. “Paul…”

I immediately powered off the television when I noticed the seriousness in Lexie’s eyes.

“Kinausap kami ni Demi kahapon,” pagpapatuloy niya. Napansin ko ang pag-higpit ng hawak niya sa bandang hita ni Renzo bago muling mag-salita. “Sinabi niyang mukhang seryoso na si Aaron sa binabalak nito.”

My eyes narrowed. “Binabalak?”

Lexie nodded then he looked at Renzo – asking for help, I thought.

Renzo cleared his throat. His mockery look a while ago turned into a stern one now. “Balak na niyang ligawan si Aaliyah.”

My body froze. Alam kong matagal na niyang balak gawin iyon ngunit hindi ko alam na mangyayari na iyon ngayon. Hindi ko alam na ganito ka-threatened ang magiging reaction ko kapag nalaman kong gagawin na nga niya iyon.

Maraming dahilan kung bakit ako natatakot: first, siya ang kilala ni Aaliyah nang lubusan at hindi ako. Second, he stayed with Aaliyah after the accident happened. Third, there’s a big chance that Aaliyah feels something for Aaron, too. Fourth, Aaron might be correct with his calculations – which was the worst thing that could actually happen.

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon