CHAPTER 3

9.2K 210 26
                                    

Magkasama sila ni Aaron na dumating sa canteen. Bakante ang table sa tabi ko kaya doon sila umupo. Hindi nila ako napansin dahil na rin sa dalawang lalaking nakiupo sa table ko.

“I met someone last night,” rinig kong saad ni Aaliyah.

Pinipilit kong pakinggan ang usapan nila kahit na maingay sa buong lugar gawa ng mga estudyante. Gayunpaman, hindi ko narinig ang sinabi ni Aaron.

“Justine. Mukha naman siyang mabait.”

“Saan mo naman nakilala?”

“Sa quadrangle.”

Nag-simula namang mag-ingay ‘yong dalawang lalaki na kasama ko sa table kaya hindi ko na naintindihan ang pinag-uusapan nila.

Tss. Bwisit.

Nang muli silang tumahimik ay natuwa ako. Si Aaliyah lang ang nag-sasalita at nanatili lang na nakikinig si Aaron.

“Sinulat nga niya ‘yong number niya sa palad ko.”

“Bakit daw?” Halata ang inis sa boses ni Aaron dahil palagay ko ay threatened na naman siyang may ibang lalaking lumalapit kay Aaliyah.

Well, hindi naman ako ibang lalaki kung tutuusin.

“I-text ko daw sa kanya ‘yong plate number ng taxi na nasakyan ko.”

“Tinext mo naman?”

Narinig ko ang tawa ni Aaliyah na hindi naman ganoon kalakasan. Pinilit kong huwag gumalaw upang tignan siya. At ng sa gano’n ay hindi nila ako mapansin.

“Bakit ka tuwang-tuwa dyan?”

“The funny thing is… I didn’t.”

Natutuwa siyang hindi niya ako tinext? Ibang klase. Tss.

“Good.”

Good ka dyan? Kung makaasta ka akala mo naman boyfriend ka ni Aaliyah. Tss!

“That’s because his number was erased. Remember, pasmado ako? So, no’ng itetext ko na dapat siya, hindi kumpleto ‘yong number. Natawa na lang din ako sa sarili ko no’n kasi nakalimutan kong pasmado ako.”

Napangiti naman ako sa nalaman ko. So, she tried to text me. Pero nabura ‘yong number. Damn! Paano ko nakalimutan na pasmado siya? Ako ata ang may amnesia dito, e. Tss.

Hindi ko na tinapos pa ang usapan nila. Pinili ko nang umakyat sa susunod na klase ko bago pa nila ako mapansin doon. Isa pa, hindi ko naman gustong makinig sa buong usapan nila. Masaya na akong nalaman ko na sinubukan pala niya akong i-text.

“Paul!”

“Demi,” bati ko sa kanya.

She smiled. “Kanina pa kita hinihintay dito sa labas ng room mo.”

“Bakit?” Nag-lakad ako papasok ng room at sumunod naman siya.

Naupo siya sa armchair ng upuan sa tapat ko. “Reunion ng batch natin sa Ashford sa first week of August.”

“It’s only been three years. Well, four years for me.”

“Exactly. Every three years kaya ang reunion sa Ashford. Hindi mo ba alam?” Bakas sa mukha ni Demi ang pagtataka kung bakit hindi ko iyon alam. We’ve been on Ashford since grade school until high school.

Paano’ng nangyari na hindi ko ‘yon alam?

Wala naman kasi akong alam – pakialam – sa nagaganap sa paligid ko no’n. Hindi na iyon nakapag-tataka.

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon