CHAPTER 1

13.8K 275 46
                                    

 

PAUL’S POINT OF VIEW

June 8, 201*

“May balak ka bang sumali sa school paper ng Harrison?” bungad na tanong sa akin ni Mhina.

Panandalian akong bumaling sa kanya at umiling bilang sagot. Agad ko ring ibinalik ang atensyon ko pag-susulat.

“E ano ‘yang pinagkaka-abalahan mong isulat? Noong isang linggo pa ‘yan, ah?” Lumapit siya sa akin at agad ko namang tinakpan ang sinusulat ko. Laking pasasalamat ko na lang na hindi na siya nakipag-talo na tignan pa ito.

“Wala lang ‘to,” saad ko.

“Bakit ayaw mong mag-apply as writer sa school paper ng Harrison?”

“Sayang sa oras,” tipid na tugon ko. “Huwag ka nga dito, inaabala mo ‘ko, e.”

“Wow naman! Nahiya naman ako sa’yo!” malakas ang boses niya na may kasama pang hand gestures. Maya-maya’y inilagay niya ang mga kamay niya sa magkabila niyang baywang. “Sino kayang nagpa-punta sa’kin dito?!”

“Ako.”

“Oh, tapos sasabihin mo ngayon na nakaka-abala ako sa’yo?! Bangasan kaya kita dyan!”

“Sige,” hamon ko.

“Aba! Sige—“ poporma na sana siyang babangasan ako ng biglang mag-ring ang cellphone niya. Bahagya siyang lumayo mula sa’kin.

Ipinag-patuloy ko ang pag-susulat.

Wala akong balak na sumali sa kahit na anumang bagay na may kinalaman sa pagsu-sulat. Gusto ko, sa’kin lang ang mga sinusulat ko simula ngayon. Balang araw, makikita at mababasa rin ito ng taong pinag-aalayan ko.

Makalipas ang ilang minuto’y naramdaman ko na ang muling pag-lapit sa akin ni Mhina kaya muli ko na namang tinakpan ng kamay ko ang sinusulat ko.

“Kailangan ko nang umalis.”

“Sige.”

“Bwisit ka! Hindi mo man lang ako ihahatid sa gate niyo?!”

“Ang lapit ng gate, kung madapa ka, katangahan mo na lang ‘yon.”

“Peste!” sigaw niya at saka tuluyang nag-dabog paalis.

Bago pa siya tuluyang lumabas ng kwarto ko ay binato niya sa’kin ang isang throw pillow na mula sa kama ko. Ni-hindi ko man lang napansin na dinala pala niya iyon.

Ilang saglit lang ay may narinig akong tunog ng cellphone. Iba iyon kumpara sa ringing tone ng cellphone ko. Paglingon ko sa kaliwang bahagi ng study table ko ay naroon pala’t naiwan ni Mhina ang sa kanya.

Si Arkin ang tumatawag.

Kaya pala nag-mamadaling umalis ang kumag. May date sila. Tss!

Hindi na ako nag-dalawang isip pa na sagutin iyon dahil tiyak kong mas magkaka-tampuhan sila kapag walang sumagot ng tawag niya.

Hindi pa man ako nakakapag-hello bilang bati ay nauna na iyong gawin ng taong nasa kabilang linya.

“Hello, Ate Mhina!”

Hindi siya si Arkin.

Malabong maging si Arkin iyon dahil babae ang boses sa kabilang linya.

Hindi ako maaaring magkamali dahil alam at kilalang-kilala ko kung kaninong boses ang bumati no’n.

“Hello? Nandyan ka ba, Ate Mhina?”

Sa muli niyang pagsasalita ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon