CHAPTER 36

4.2K 94 15
                                    

Nasa labas na kami ni Miggy ng hospital at nag-hihintay ng taxi nang biglang mag-ring ang cellphone ko.

“Demi,” bati ko sa kanya sa kabilang linya.

“Tapos na ang check-up mo?”

Tumango ako bilang sagot kahit na alam ko namang hindi niya iyon nakikita. I heard her sigh.

“How did it go?”

Tinignan ko si Miggy at tanging isang ngiti lang ang iginawad niya sa akin. Napa-buntong-hininga na lang ako. “It went well,” I said, trying to hide the pain in my voice.

Miggy’s eyebrows narrowed.

“Bakit parang hindi naman?” takang tanong ni Demi sa kabilang linya.

“I’m… I’m just tired. Pwede bang bukas na lang tayo mag-usap?”

“Alright. I’ll see you at school then,” saad niya. Halata ang disappointment niya sa tono ng pananalita niya. “Take care, okay?” pahabol niya bago tuluyang putulin ang tawag.

Sakto namang pag-lagay ko ng cellphone sa bulsa ko ay may paparating na taxi. Pinara ko iyon at wala nang inaksayang panahon at agad na sumakay doon. I couldn’t afford to answer what Miggy was about to ask me.

Mukha namang nakahalata siyang ayoko na munang pag-usapan ang tungkol sa naging check-up ko dahil nanatili lang siyang tahimik sa loob ng ilang minuto.

“Ayoko pang umuwi,” sabi ko nang malapit na kaming makarating sa bahay. “Manong, pwede bang bumalik tayo?”

“S-saan mo gustong pumunta?” Miggy asked, speaking for the first time since we left the hospital.

“I don’t know. Somewhere far. Basta ayoko pang umuwi.”

“You want to go malling?”

I shook my head no. Nag-U-turn na si Manong at doon ko pa lang nalaman kung saan ko gustong pumunta. “I want to go to Ashford.”

“Gabi na tayong makakarating doon.”

“Manong, sa Alabang po tayo.”

“Ma’am?”

“Sa Alabang po,” iritang pag-ulit ko.

“Malayo na po iyon, Ma’am. Traffic pa sa dadaanan.”

“I don’t care! Just.. Just drive and get me there!”

Pareho naman silang nagulat ni Miggy sa biglaang pag-sigaw ko. Nakita ko ang pag-tungo ni Miggy kay Manong at pareho naman silang nanahimik. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang pag-hawak ni Miggy sa kamay ko. He squeezed it gently and I felt my muscles relaxed for the first time.

“Aaliyah.” Ramdam kong may umuuga sa katawan ko. “Aaliyah.” Mahina niyang tinapik ang balikat ko at doon pa lang ako namulat. “Nandito na tayo sa Ashford.”

Nakaramdam ako ng kaunting hilo dahil sa biyahe ngunit hindi ko mapigilan ang sarili kong patuloy na mag-lakad papasok ng Ashford. Kusa akong dinala ng mga paa ko sa butterfly garden. Alam kong nakasunod sa akin si Miggy ngunit hindi ko na siya inintindi pa.

“D-do you want me to leave?” tanong ni Miggy mula sa likod ko.

“N-no. Please stay,” mahinahong pakiusap ko.

I looked around and tried to visualize everything that happened here. I tried squeezing my head for just the slightest memory to come alive but nothing came. Hindi ko na napigilan ang pag-tulo ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Naramdaman ko ang pag-lapit sa akin ni Miggy. Hinawakan niya ang balikat ko at saka ako hinarap sa kanya. “Hush,” he said then enveloped me on his arms.

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon