Bad Mouth, Poor Shien Shien

310 12 5
                                    




          Dinner punishment ang sitwasyon sa lamesa nila Oshien ngayon. Maiyak-iyak na talaga siya sa kinakain niya. Reprimand na nga yung pagkain, silent treatment pa ang ginagawa ni Julian. Anong tawag sa hapunan na yun? Kalbaryo!

"Juju..." she called. Pleading. Pero kumakain lang si Julian, ni hindi talaga siya tiningnan. Parang walang naririnig.

"Juju naman..."

...

......

.......

............

"Juju please naman pansinin mo na 'ko.. please.. pleaseeeeeeeee! Ano pa bang gagawin ko para pansinin mo ko??!" yumuko na si Oshien para silipin pataas si Julian. Napalingon tuloy sa kanya. Success! Kung hindi pa siya lumingon nun ewan niya nalang. Hello? Mukha na siyang tangang nagpapansin sa mokong!

"Kumain ka dyan. Ubusin mo yan. Gagawa gawa ka ng kalokohan magdusa ka. Parusa mo yan." He said coldly sabay balik sa kinakain.

          She swear! Hindi na niya kaya! Kahit tonong pabiro si Julian, kailangan pa rin niya sumunod! Goo.. ang sarap batukan ng Juliano na to! Kung hindi lang talaga.. kung wala lang talaga siyang atraso! Arghh...Curse that nutcracker guys!

          She tried her very very best to please him. Paawa na kung paawa. Teary eye na kung teary eye!

"Juju yoko na please have mercy on me....I hate brocolli tama na pagpapahirap sakin. I can't take it na... juju naiiyak na ko sa lasa.. ayoko na Juju ko.. juju..."

          Napapitlag si OSHien nang ibagsak ni Julian ang kutsara niya. He looked at her. Ngayon siya naman ang napapaiwas ng tingin.

"I already told you na kahit anong mangyari wag na wag kang magmamaneho same as my driving speed pero anong ginawa mo? Nagmalaki ka pang natakasan mo sina Kris kasi muntik mo siya banggain ah.. Kung hindi ka rin talaga pasaway diba? Pili, blade o basuka? Para isang tirahan na lang?" ayan na. Mag-Sosona na. Bakit ba kasi niya naikwento yung nangyari kanina? Nagyabang na naman kasi siya eh! minsan talaga nakakapahamak ang kayabangan. Nadulas tuloy siya sa pagdadrive niya. Iniimagine pa nga lang niya kaninang malalagot siya kapag nalaman nangyari na. Tapos ano parusa?  Brocolli as their dinner? Eh number 1 vegetable enemy niya yun! Naglulupasay talaga siya noon kapag yun ang hinahanda sa kanila tapos ngayon? Sana pala di nalang siya nagkwento..bad mouth, poor Shien Shien.

"Eh kasi naman hahara-hara siya sa daan. Binubusinahan ko na nga ayaw pa umalis. Ang lakas talaga ng sebo sa utak kaya wala akong ibang naisip gawin kundi yun..." she defended. Nakatitig lang si Julian sa kanya. "Aish oo na! Sorry! Reckless move yung ginawa ko kasi baka makasakit o nasaktan ko siya kaso kasi diba kasalanan rin niya yun eh!"

"Kung ikaw kaya napahamak ano gagawin ko? Kung hindi mo na-control yung pagmamaneho mo? Kung nabigla ka ng kabig tapos namali yung liko mo? If something happened to you that time, what actions do you expect me to do sige nga? Tell me?"

"But I thought you.."

"Pakialam ko sa limang yun? They're the last person I'd be worry about when you're name entered the situation idiot. Now you want me to let this pass through? Bakit Shien? Kelan mo 'ko pinakinggan para palampasin ko 'to aber?"

"Galit ka nga.." Hindi niya alam kung naiiyak siya sa pinagsasabi ni Julian including idiot thingy o dahil sa pag-aalala nito sa kanya. O gawa lang talaga ng brocolli.  She heard him sigh.

Let's Play! Husband and Wife!Where stories live. Discover now