Chuckie's Girl

462 13 1
                                    

 "MJ, tigilan mo nga yang si Kelven. Tulog na naman yang nakita mo." Mahinang saway ni Jesrell.

Kasalukuyan kasi silang nakatambay sa cafeteria. Wala lang pampalipas oras, tagal pa ng vacant nila eh. Na-bo-bore na rin sila. Naubusan pa ng topic kaya ayan. Tahimik na. Kapag tahimik pa naman, may milagrong ginagawa si Julian. May pinagtitripan, luckily, si Kelven ang biktima niya. Pa'no sumubsob na lang sa lamesa at natulog nang nanahimik sila, si Brent naglaro na lang sa tablet niya, si Jesrell nagbo-browse ng cellphone nang mapansin yung pinaglilibangan ni Julian.

May naiwan kasing pulbo kanina sa inupuan nila kaya ayun. Kinuha niya saka binudbod sa puno ng ulo ni Kelven habang nakayuko rin siya sa lamesa. Puting-puti na talaga buhok ng katabi niya pero 'di pa tinitigilan, pati yung tissue na nakadisplay doon, pinunit-punit pa niya saka, hinulog ule sa ulo ni Kelven. Tamad-tamaran mode pa si Julian habang ginagawa iyon.

"MJ sabing tigilan na eh."

"Ang boring naman kase, walang magawa.." reklamo niya sabay sandal agad sa upuan.

"Wala ka pang magawa niyan?" tukoy  naman ni Brent sa ginawa niya kay Kelven.

"Brent, di ka pinakikinggan niyan." Sabi ni Jersrell.

"Hah?" taka tuloy na napatingin si Brent sa harapan niya.. kay Julian. "Ay bata talaga. MJ wag ka  ngang mag-vandal diyan sa lamesa. Inubos mo na nga yung tissue kakasulat ng kung ano, tapos pinunit mo pa."

 Lumingon lang si Julian nang tapos na niya sulatan yung lamesa. Ganda pa ng ngiti. Nakakalokong ngiti.

"Para kang bata diyan sa ginagawa mo."

"Bata pa naman ako ah!"

"Isip bata." Umismid na lang si Julian at nagpout.

"Nagpaandar ka na naman. Hindi mo 'ko makukuha diyan. Hindi pa tayo tapos about dun sa tumawag sayo." Paalala naman ni Brent, naintriga rin tuloy si Jesrell.

"Ano pa bang kulang don sa sinabi ko? Pinakialaman niyo na nga privacy ko eh."

"Privacy ka dyan. Wag mo kong pinagloloko. Don't forget may kaklase akong Oshien."

"Oh ano ngayon? Bat ba ayaw niyong maniwalang Ocean yun? Napaka niyo ha. Porque may kaklase kang Oshien siya na agad. Ayos to makaakusa.  Ay sos Ben 10, maging Psychic ka na lang kaya? Di kaya detective?" natahimik na lang si Brent "saka malay ko ba diyan sa kaklase mong lakas ng topak. Ako pa pinagdiskitahan titigan kahapon. Tingnan mo lang, tingnan mo lang talaga Brent! Pagtitripan ko yan."

Eto na naman siya, kung anu-anong kabaliwang pinagsasabi tungkol kay Oshien. Siste, talagang nagagawa niya yon sa kanya. Halata naman, araw-araw pa. Tinitigan lang ng makahulugan nina Brent at Jesrell si Julian.

"Ayaw niyo maniwala?? Bahala nga kayo! Ikaw naman Jesrell ha!!"

"Oh bat ako?!"

"Wag mo nga kong tinititigan na parang nanonood ka ng porn! Kala nito, yan ginagawa mo dyan sa cellphone mo noh?!"

"Hoy MJ! Wag mo ngang malipat lipat sakin sisi mo!" duro ni Jesrell sa kanya.

"Hoy ka rin! Loko kang Virgin Boy ka! Wag mo ko dinuduro dyan ah!"

"Yes Ma'am hindi na!" sa lakas ng sigaw ni Julian kay Jesrell isabay pa ang malakas na hampas niya sa lamesa, nagkaduruan pa nga yung dalawa eh, nagising tuloy bigla si Kelven. Yung tatlo hindi maintindihan yung itsura nang makita siya. Parang matatawang ewan. Sina Jesrell at Julian nga, nakaturo pa rin sa isa't-isa habang nakatingin sa kanya. Naglalaglagan din kasi yung mga tissue na nilagay ng Loko sa ulo niya kasama yung pulbong pagkarami-rami.

Let's Play! Husband and Wife!Where stories live. Discover now