Time TO

476 12 0
                                    













          "Hay gutom. Oshien canteen na tayo bilisan mo na diyan! Iwanan ka namin!" madaling-madali na nga si Oshien matapos lahat ng paperworks nila ngayon, dumadagdag pa 'tong mga kasama niya. Palibhasa kasi natapos agad sila. Nagbrain storming kasi yung apat para masagutan yung activity nila. Eh siya hindi nakisali. Hindi naman kasi group activity ang ginawa nila. Individual. To make it simple, nagkopyahan sina Ally!





"Oy! Ang dadaya niyo ah! Sandali!" tumakbo na agad si Oshien pagkatapos na pagkatapos magligpit ng gamit niya. Paglabas niya, sabay na silang naglakad sa corridor. "Kayo ah. Daya niyo, ang bilis niyo kanina natapos."





"Ewan ko kasi sayong bruha ka eh. pinakokopya ka na ayaw pa. Chusera."







"Eh kasi naman!"








"Back out tayo guys.." napalingon sina Oshien kay Sharmaine nang magsalita ito. Nagtaka sila sa tinitingnan niya. Pa'no, napatigil kasi ng lakad. Sinundan na lang nila ng tingin ang tinitingnan nito.






"It's Tiffany." Kasama ang dalawa pang mataray. Trouble na naman ito. Mas maganda nang umiwas. Pero hindi ang tumalikod pabalik.









"Tara na. Wag niyo na lang pansinin. Dadaan lang naman tayo eh." sabi niya saka nagpatuloy nang maglakad. Sumunod na lang sila Ally. Tahimik na sila noon.






Later on, Tiffany already notice them. Hindi man siya nakatingin, nararamdaman niyang nakatingin rin ito sa kanya. If she's not wrong, nakangiti pa nga ata. Nagtaka tuloy siya.








Nakalampas na sana sila sa tatlong Prinsesa nang biglang magsalita si Tiffany. Napalingon tuloy sila.







"Looks like your having fun playing around huh?"






"I'm sorry?"





"C'mon Oshien, there's no point to deny it."




"Wala akong natatandaang nagpakilala ako sayo. How come you knew my name?"




"Oh! good thing you asked that." Lumapit pa sina Tiffany kina Oshien. Nagtataka na rin sina Ally sa nangyayari.




"It's not the right time for sugar coating Tiffany. Why don't you go straight to the point?"




"Straightly? Okay sabi mo eh. You're really a flirt noh?"






"Aba't?!" lalapit na sana si Ally para makisali pero pinigilan siya ni Oshien.







"Okay lang Ally. Ako nang bahala." Sabi niya. Hindi lang para kay Ally iyon, para rin kina Sophie, Sharmaine at Jane. Alam niya kasing pwede silang sumugod kapag nabanas sila. Magkakagulo lang. "Flirt?"








"Yupp, in tagalog, MALANDI. You really want to steal MJ from me. Sa dinami-dami namang lalaki diyan, yung taken pa ang ginusto mo. So you're flirt."







"Ah, dahil lang diyan flirt na ako? Can you look in the mirror? Tell me Tiffany, Miss Tiffany pala, ilang kurso ba ang kinukuha mo? Ang dami mong alam eh. pwede ka ring maging author."









"Ikaw, fit sayo maging artista. Magaling kang umarte eh. magaling kang magpapaniwala."






"What do you mean?"






Let's Play! Husband and Wife!Where stories live. Discover now