Visiting Home

683 19 17
                                    

Okay... Para sa 2 months no update.. :)


Dedicated to my beloved jetttttt!! Ituu na gusto mo haha! Bheee I want you to know na super na-aappreciate ko lahat ng post and comments mo! Natatouch talaga aku kapag nagpopost ka related dito sa fb pa! waah nakakakilig ka! I love you bhe! I really really missed everything about you!!!!!


Mars! Salamat sa opinion mo last time haha! Nailagay ko rin! Love lots!! Salamat sa laging pag share at pagtulong sa pag aayos ng mga ideas!!


Nagrereklamo kayong dalawa kasi mahaba yung mga last updates ko? Oh ayan. Mas mahaba ngayon haha! nahirapan ako mag-edit ah..salamat sa inyo eh noh? hahaha!! labyo!


Enjoy muna kayo sa kalokohan. For now  :)


*^*^*

Saturday Morning...


                      Nag-decide na si Monic na bisitahin sila Oshien at Julian sa bahay nila. Tutal weekend naman tsaka naibigay na ni Oshien noon yung address nila kaya hindi na siya mahihirapang hanapin pa yun. Katatapos lang niyang tawagan ang kaibigan niya para masiguradong nasa bahay sila. Sakto pala ang plano niya dahil may group and project study sila ngayon nila Ally, Sophie, Sharmaine at Jane. Magandang bonding na naman yun. Tsaka proof na rin na every weekend talagang nagpupunta siya kay Oshien. Though first time lang talaga niya ngayon. Naeexcite na siya! Imagine? Yung bias couple niya noon, mag-asawa na ngayon? May thrill pa kasi secret pa lang. Sayang, ipagkakalat na sana niya schoolmates nila nung highschool. Oo nga! Time na rin para intrigahin niya ang kaibigan niya! Habang wala pa yung apat magpapakwento na siya. What does it look like kaya na sila lang dalawa mag-isa sa bahay? Maingay kaya? Magulo? Imposibleng tahimik. Yun ang bagay na hindi niya paniniwalaan.


                       She admits medyo nag-alala siya nang malamang mag-iistay lang daw si Julian sa kwarto nila the whole day at hindi lalabas. Parang di kasi siya maniniwalang magbebehave yun kahit isang oras eh. Maski naman si Oshien hindi rin makapaniwala kaso nagpromise naman. Sana lang talaga wag magpapansin. Tutlong na lang siya pag nagkataon. Ano kayang itsura ng bahay nila? Malaki kaya? Malawak? Hala nae-excite na talaga siya!


                      She just entered their subdivision. Nagdecide na lang rin siyang maglakad papasok para maobserbahan pa niya yung lugar. She kept noted herself sa mga reminders ni Oshien sa kanya para hindi siya maligaw. Binuksan naman daw niya yung gate nila para malaman niyang yun na ang bahay eh. Though of course dinescribe na niya kung anong itsura at saang block. Nakakainggit, nauna pa palang makapunta si Ally dito. Hmm bakit kaya? Nakapasok kaya sila sa bahay? Wala kaya si Julian nung time na yun? Matanong nga mamaya. Marami syang makakalap na infos ngayon! 

                       Wow, subdivision pa lang, look classy na. Tahimik pa. Monic frowned. Bagay ba yung dalawang yun dito? Mali ata natirhan nila eh. Hindi kaya sila narereport?

Let's Play! Husband and Wife!Where stories live. Discover now