School Day Starts.. BE Ready..

502 13 6
                                    


Peso at weakest level this year.

      Fall driven by geopolipitical risk, Korea tensions

                                                By PRINZ P. MAGTULIS

The peso closed yesterday to its weakest level this year after investors stunned risky assets due to tensions in North Korea and after Japan announced it is ramping up asset purchases to fights deflation.

"PLUE!!!"

                The local currency ended trading at 41.15 to a dollar declining by...

"PLUE!!!"

24.5 centavos from its Wednesday's close of 40.905.

"PLUE!!! Nasan ka?!"

"Oshien deep bakit ba? Nandito ako sa sala. Tigil mo nga muna yang ngawa mo, maaga pa!"

Kasalukuyang nagbabasa ng dyaryo si Julian habang nagkakape nang maramdaman niyang patakbong bumababa ng hagdanan si Oshien.

"Anong oras na?!"

"Hindi mo ba tiningnan yung orasan sa kwarto?"

"Ano nga?!"

"6:32 am." Sipat niya sa wristwatch niya.

"Oh my! Seven thirty dapat nandon na tayo sa schooldiba? Bakit hindi mo 'ko ginising? Tapos ngayon nakabihis ka na?!"

"Easy.. ang ingay mo Shien. Lower your voice. Ang sarap ng tulog mo dun kanina tapos gigisingin kita? Naka, ayoko pumasok nang nang black eyed sexy eyes ko. Tsaka kung yang pagbabaliw-baliwan mo eh inayos mo na lang yang sarili mo para pumasok, di may napala ka pa?"

"Oo nga noh? Hala male-late na talaga ako!!"

patakbo na namang pumanhik si Oshien sa kwarto.

"Oshien dahan-dahan nga madapa ka! Oyy!" hindi na siya pinansin ni Oshien at nagdire-diretso na lang.

Umiling-iling na lang si Julian dito. Tumayo na rin siya para ayusin ang sarili.

"So this is it? "

Oshien thought to herself as she tries her best to move quickly and smoothly to make in time.

"Grabe, first day na first day sa school malelate ako. God, help, ayoko po mabadtrip ngayon. Please make this day successful for us. Anyway, kasama ko naman ma-late si Plue eh. kaso, hindi ba sanay na mapagalitan yon? Ewan, mabilisan na nga."

=30 Minutes Later=

"Plue sabing dahan-dahan sa hagdan eh. May takong po yang suot mo hindi yan pangharabas."

Paalala agad ni Julian as he heard her coming.

"Ano? Tara na?" hawak-hawak na ni Oshien ang ba niya pagbaba. Nakaayos na talaga siya. All in all. Ganun rin si Julian kaso..

"Plue.."

napataas kilay si Julian sa itsura ni Oshien.

Mukhang paawa kasi.

"Para kang si Puss 'n Boots magpaawa. Yung sa Shrek."

"Wag mo na 'ko asarin! Tatawa-tawa ka pa diyan."

"Di kaya. Cute nga eh. ano bang problema? Teka, kulang ata yung uniform mo?"

There, inilabas nga ni Oshien ang necktie niya. Kanina pa niya 'yon hawak..

"Kanina ko pa sinusubukan magneck tie eh. Hindi ko talaga magawa. Hindi ako marunong Plue!"

"Yan tayo eh. para 'yan lang pinuproblema mo pa. Bilis mo talaga umiyak-iyak. Akin na. Tingnan mo ah."

Tinuruan nga siya ni Julian. Pinanuod niyang mabuti kung paano gawin yon para sa susunod, alam na niya.

"Psh tapos na. Palibahasa kasi ribbon gamit niyo sa Quinson. Okay na?"

"Oo, salamat Plue!"

"Sukuing bata kase. Tingnan mo, parang ako pa tuloy yung babae sa'ten eh. Ikaw yung.."

"Tama na Asar! Tara na nga!"

"Yeah,yeah ayusin mo itsura mo."

Hinila na nga siya ni Oshien sa garage nila.

Parehas silang may kotse kaya wala silang problema about sa transportation o kung magkakasabay sila sa school.

Pero kung mahabang biyahe o pasyal lang, kotse ni Julian ang gamit nilang dalawa.

Lam na, tamad magdrive si Oshien kapag ganyan.

Sight seeing lang gawain niya.

"Bye Plue!"

"Bye.." sagot ni Julian saka bumeso sa kanya si Oshien.

Bumibeso naman talaga si Oshien eh. Minsan lang wala sa mood kaya hindi niya ginagawa, like what happened nung dumating si Julian galing school.

Pero ginagawa niya talaga yun voluntarily. Kusang nangyayari, halik nga sa pisngi yung madalas niyang binibigay kay Julian kapag naghihiwalay o nagkikita sila.

Used na sila sa isa't-isa eh. kaya wala nang kaso sa kanila yung mga ganun.

Sabay silang sumakay sa mga kotse nila.

Sa kanang side ang sasakyan ni Oshien kaya bago niya i-start ang makina, pumunta muna siya sa passenger seat para kausapin si Julian.

Napatingin tuloy sa kanya ito.

"Hey.."

"Oh bakit?"

"Good luck sa first day natin hah.."

"Good luck sa first day mo. Be happy, find friends quickly or else.. I'll broke the deal."

"Daya mo naman. Sige na." Bumalik na si Oshien sa driver's seat.

"May topak ka lang pala nung nakaraan eh. Dami pa nitong echos.."

"Wala nga 'ko sa mood nun eh!! Tigilan mo na 'ko Plue pasayahin mo naman araw ko!"

"I will. Wag ka lang gumawa ng bagay na magpapabago sa isip ko para di ka sumaya ngayon,

A.SA.WA... Ingat....

sila sayo.."

Sabi ni Julian saka pinaharurot na naman ang sasakyan niya.

Hindi na tuloy nakaganti si Oshien.

"Mabangga ka sanang Kupal ka!

Patakbo mo na naman, kala mo nakikipagkarerahan... siya ata dapat iwasang makita eh... Baliw."


salamat po sa mga nagbabasa hope po madagdagan pa.. salamat guys mwahuuggsss!!!!

Let's Play! Husband and Wife!Where stories live. Discover now