Medical Revelation I

466 13 5
                                    


________________________++++++++

"Bye Plue! Ingat sa pagmamaneho." Paalam ni Julian nang nasa garage na sila papunta sa mga sasakyan nila.

"Gagi ikaw ang mag-ingat, kahit bihasa ka sa sasakyan umayos ka pa rin. Loko. "

"Oo na oo na, babye!"

"Uyy teka!" pigil ni Oshien pero nagdire-diretso lang si Julian sa pagpasok sa kotse nito. Inunahan pa siya sa paglabas.

"Beso ko?"

napa-pout na lang tuloy siya saka pumasok sa sasakyan niya.

"Madaling-madali yun? Grabe ah, makaisnab kala mo, kala mo talaga. Ginaganyan mo 'ko ah. Porque bumi-busy ka lang ngayon. Ilang araw ka nang ganyan. Teka, ano bang kalokohang pinaggagawa nun? Pero okay na rin, at least nawawala na yung taka-atmosphere sa'ming dalawa. Hindi na kami nagkakasama eh. Makaalis naman kasi, kala mo border lang bahay. Julian tandaan mo talaga 'to."

Pagdating ni Oshien sa school, sinalubong agad siya ng apat. Talagang nasa harapan pa sila ng kotse niya.

"Hey, ano 'to? Talagang hina-haunting niyo 'ko?"

"Hindi nagkataon lang na nakita naming paparating yung cute mong kotse kaya inabangan ka na namin. Tara na, agahan na natin magpa-medical para mabilis matapos." yaya ni Sophie kaya yun, dumiretso na sila sa clinic.

"Oh see? Keaga-aga palang, yung pila award winning na." Pansin agad ni Ally nang makita ang haba ng pila sa clinic.

"Ganito ba talaga yung drama kapag magpapamedical?"

"Hindi naman totally kapag masyado pang maaga. Siguro gusto na rin nilang matapos ng agad. Pa'no by batch batch kasi dito eh. Continuation after lunch pa."

"Sira na agad beauty mo 'Day!" napailing-iling na lang si Oshien sa mga kasama niya.

"Pila na tayo guys. Baka humaba lalo yan mahirap na. Malay mo Ally makasabay pa natin ang Centaurus, makita mo pa yung labidabs mo. Maaga pa naman yun um.." ah patay na naman. Nadulas na naman siya! Napagtinginan tuloy siya ng apat. Explanation? Alibi? Ano bang magandang ipalusot??!! "Eh kasi naman, kanina sa sasakyan nakita ko yung MJ mo, naglalagalag sa School."

"Ay oo nga!"

"Ay salamat Sharmaine sinalo mo 'ko!"

"Nakita ko siya kanina nung nag-cr ako. Maaga nga yun dumating."

"Bakit hindi mo sinabi???"

"Ally naman. Easy, ikaw ah. Sumusobra ka na. Obsession na yan." Sinaway na ni Jane si Ally saka hinila sa pila. Sumunod lang sila Oshien.

Halos kalahating oras ring nagtiyagang magtatayo ang lima sa labas ng clinic. Mainit pa naman tapos ganun pa yung sitwasyon? Sira talaga beauty nila nyan! Buti nang makapasok sila airconditioner agad ang sumalubong sa kanila.

"Hoo aircon! Replenish me! Nanghina ako sa labas!"

"Ally, tumino ka nga uyy, nakakahiya ka na ah."

"Oaky fine ito na, pipinis na po kamahalan.." sabi ni Ally sabay ismid kay Sophie.

Pinaupo na muna sila ng mga assistants sa clinic. Binigyan sila ng forms para fill-up-an bago humarap sa mga mag-che-check up sa kanila.

"Oshien deep musta bofrend mo? Mukhang hindi ata kayo intact with ets ader ngayon hah?" tanong na naman ni Ally, ang daldal talaga nito ngayon. Doon lang niya napansing panay ang silip ng katabi sa phone nito habang nagsasagot. "Ow, I'm wrong pala."

Let's Play! Husband and Wife!Where stories live. Discover now