Di Makaalis-alis Chapter

359 13 0
                                    

"Panira ng porma kung ilalagay ko sa harapan ko. Ganda pa naman ng back ride ko. And I'm sure IKAIINGGIT mo kung SINO."

Diretso ang tingin ni Oshien kay Julian nang sabihin niya iyon. Sina Tiffany nga napadungaw rin bigla sa bintana ng kotse.

"Hoy MJ, what do you mean?" tanong agad ni Brent. Kahit alam na nila ang tinutukoy nito,siyempre gusto pa rin nilang i-confirm baka naman kasi nagbibiro lang.

"What do I mean? Sus gets niyo na pahahabain pa ba? Hoy chicks kong asawa, halika rito."

"Anong sabi mong lecheng kurimaw ka?!" napatakip bigla ng bibig si Oshien after niyang isigaw yun. Halata ring nagulat yung mga kasama nila sa nasabi niya. Bwisit talagang  Julian yan. Mas lalo siyang mabubuko sa mga reactions niya eh.

"Sabi ko halika rito. Dito ka na umangkas. Lika bilis bilis..!"

"Bwisit 'to ah. Kanina lang badtrip ngayon.. Ayoko. Hindi mo 'ko sisiw okay? Sige i-push mo pa yan. FYI na lang, ang sisiw hindi nauutusan."

"Ganun? Eh di i-remove natin ang chicks, asawa kong maganda, lapit ka na bilis oh..."

"Ayyiiieeeeeeeee!!!" hindi na naiwasang kiligin ni Monic.

Nagtunog lambing kasi ang boses ni Julian plus the fact na Nakita na naman niyang naggaganyanan sila. eh tuwang-tuwa pa naman siya kapag ganyan. Kaso sa sobrang kilig niya, nai-voice out niya.

Siya naman tuloy napagtinginan. Pati si Julian napatingin sa kanya, kunot-noo pa nga. Nagkahulihan pa sila ng tingin kaya nahuli niya ang pagfrown nito sabay balik tingin kay Oshien. Na-aamaze talaga siya sa pagkakaintindihan ng dalawang 'to.

"Anong niyi-yiie mo diyan?"

"Ha?" napabaling bigla siya kay Kelven, oo nga pala. Pinagtitinginan pa siya. "Wala natutuwa lang ako sa bangayan nila."

"Loko may asawa na yang kaibigan mo. Tumigil ka. Wag ka na sumakay sa kalokohan ng kumag na yan."

"Kalokohan.. Hmmp. Kung alam niyo lang."

"Hey wait!"

"Dami nagsasalita, hindi na tayo makaalis dito. Dadagdag pa yang Chaka Dal na yan."

"Oh tumahimik ka na lang Ally. Dadagdag ka pa eh. manuod ka nalang. Naiinggit ka eh."

Lumabas uli si Tiffany ng kotse niya.

"MJ? Isasakay mo siya?"

"Yupp. Problem?"

"Ahmm.. Ganito, Oshien dito ka nalang sa kotse ako na lang ang aangkas." Napataas kilay si Oshien sa sin-uggest ni Tiffany. Basta lang talaga makasama si Julian gagawin lahat.

Napangiti siya. Not because she's impressed about the things She can do. It's because there's something, Tiffany doesn't even know.

"Okay lang sa'kin. Akalain mong umaangkas ka pala. I mean Kaya mo?"

"Anong tingin mo sa'kin? Maarte?"

"Sort of. Nag-aalala lang akong tumili ka't magsuka. Walang awa yan kapag nagdadrive.. mapababae o lalake. Pero sino pala magda-drive ng kotse mo?"

"Oo nga Tiffany. Ni kami nga ni Cynthia di mo pinapadrive siya pa kaya? Diba ayaw mong pinahahawakan sa iba 'tong manibela mo?" singit ni Sheila. Pinandilatan siya bigla ni Tiffany.

"Nice help Sheila. Nakakainis ka."

"See? Problem ko pa kapag may nangyari sa precious car mo so no thanks na lang. Aangkas na lang ako kay MJ."

Let's Play! Husband and Wife!Where stories live. Discover now