Oh My.. Chess Game..

424 11 0
                                    


"Oshien! Loka ka! Sinisira mo ang beauty namin. Kanina pakami naghahanap sayong gwapa ka. Ano? Nag-eenjoy ka mag-isa ha!"

Hinamapas-hampas ni Ally si Oshien nang magkita na sila. Tama nga hinala niya, nakita na nila ang Centau. Simula nang magmeet sila, himalang naging close agad ang grupo nila. Ngayon pa nga lang halata na.

Magkakasama na kasi sila nang makapunta si Oshien sa lugar nila Sophie. Kahit si Julian nandun na rin. Nakapangalumbaba lang habang..

kumakanta na naman?

"Ano na namang kinakanta ng isang yun?" turo niya nga kay Julian. Napatingin na rin tuloy sina Ally.

"Hay.. inaasar na naman si Jesrell." Si Kelven ang sumagot.

"Ang payat ni Jesrell sarap sipain. Himalang may abs, eh tingting katawan. Ang payat ni Jesrell mukha siyang tuko. Ang duwag na baby makatili dinaig pa ang paniki..Ang payat...Ang payat moo uooh! Payatot!"

"MJ tumigil ka na ah! Sisipain na kita!"

"Ows? Sa payat mong yan? Kaya mo 'ko? Uy..UY!! nandyan na pala ang dyosa kong asawa! Hello Oshien deep!" napakakunot agad ang noo ni Oshien nang isigaw 'yon ni Julian. Alam naman niyang joke lang yun. Pero sa kanilang dalawa totoo yan. May ugali kasi yan si Julian eh. Basta sa susunod lalabas din. Nabatukan bigla siya ni Jesrell. Yes nakaganti!

"Jesrell gumaganti ka noh? Dapat ako gumawa niyan eh, sinira mo yung kwintas ko. Buti naayos ko."

"Siraulo ka ba? Feeling asawa ka naman diyan! Mamaya malagot ka niyan sa ginagawa mo. Nga pala, Oshien ganda naman ng damit mo ngayon." Gumanti ng mas malakas na batok si Julian sabay sulyap kay Oshien. Sandali lang iyon pero alam niya kung bakit.

"Sus, selos ka lang eh. kasi ako pwede mapagkamalang asawa .Cruz siya, Cruz ako. Parehas apeyido. Ikaw ikaw? Anong Surname? Lorenzo. Ilang agwat ang layo? One two four nine! Nine ang layo. Kami? Wala! Talo ka. Kaya kahit type mo pa 'tong si Oshien Deep.. weak. Tanggapin mo na. Pangalan ng asawa mo?"

"Bruhong 'to? ako pa tinanong? Kung ikaw kaya sumagot sa tanong mo? Sapakin kitang kaliwa't kanan eh!"

"Ju!" napalingon lahat sila nang sumagot si Ally. Basta talaga si Julian kahit hindi tinatanong sasabat. "Ju name ng husband niya. And guess what? Gwapo. Sobra!"

"Natalbugan naman sana ang mayabang nang malaman ang level niya."

"Brent tama ka diyan. Mas gwapo kay MJ. Kahit mahirap aminin." Siniko na siya ni Oshien nang manahimik na.

"Oh? Di nga? Akin na."

"Ha?" nagtaka si Oshien nang biglang lumapit si Jesrell  saka lahad ng kamay.

"Akin na. Picture. Gusto kong katibayan."

"Heh! Virgin boy ka tumigil ka! Oshien deep wak mo pakita mang-aasar lang yan!"

"Weh! MJ takot ka lang maungusan ng kagwapuhan eh!"

"Siyempre dapat ako lang gwapo dito. Kaya pssshtt! Oshien Deep.. wak ka papakita ng picture. Pangalan lang hinihingi ko, napunta sa facial portrait Kukulamin lang yan ni Jesrell. Mambabarang yan eh!"

"MJ ang sama mo. Ba't ako na lang lagi pinipikon mo?"

"Nagtanong pa. Pikunin ka eh. By the way, nung pangalan? Ju? Ayos ah. Spell as in D.E.W? 'Nu ba yun? Ba't pambabae pakinggan? Kunsabagay unique na pangalan ngayon. Pangalan ng babae pangalan na rin ng lalaki and vice versa. Ganito, kung sa bahay niyo, si Ju ang asawa mo, dito sa school ako ang husband mo! Wait, nandito ba yun? Si Ju, dito rin nag-aaral?"

Let's Play! Husband and Wife!Where stories live. Discover now