Encounters

509 14 7
                                    

Ewan ko kung babasahin niyo pa 'tong nowty ko pero baka pag tumagal-tagal I'll update longer chappies na since that's what I really used to write. Starting from now na to be exact.. ^__^

Also got inspired with miss mamie1990 stories especially One Night With the Prince. It's so much fun! That's also one of my reasons why I intended not to cut my chapters ~!

Eto na!! ^_____^

"Oshien, girl tama na yang titigan. Wag na magmatigas." Bulong ni Ally sa kanya habang nakatitig siya sa mga iyon..

Binalikan kasi siya nito para hilahin kaso nagmamatigas talaga siya. Lalo na sa pagtitig kay Julian.

Tumingin sandali sa parking lot si Oshien. Sa kotse niya mismo. Tanaw kasi iyon sa kinatatayuan nila.

Pagkatapos, binalik niya agad ang atensyon kay Julian.

Hindi niya talaga inaalisan ng tingin, eh ganon din yung ginagawa nung isa. Maya-maya, nagulat na lang sina Sophie nang lumapit pa siya sa Centaurus.

"Anong gagawin nun?"

Nagkibit balikat na lang yung dalawa pati si Ally, bumalik na lang siya kina Sharmaine saka pinanood si Oshien. Nakatingin lang rin sa kanya yung tatlong kasama ni Julian.

"Excuse me,.." nakangiting tanong ni Oshien sa kanila nang makalapit na siya.

"Yes Missy LADY?" tanong naman ni Julian. Pinagdiinan pa talaga yung Lady. Nang-aasar na.

"Can you make way? Look, babae ako, lalake kayo. Kung may gentleMAN side kayo, pararaanin niyo 'ko."Sabi niya nang diretso lang ang titig kay Julian. Ngumiti  muna ito pangisi bago sumagot..

"Make way daw oh.." parinig ni Julian sa mga kasama niya. Sabay-sabay naman silang tumabi. "Your majesty?"

"My pleasure. Thank you mga kamahalan." Sarcastic na sabi niya saka  dire-diretsong lakad sa daan para makaalis na.

"Woah sino yun?"

"Who knows? Stariray.. katakot. Kaloka. Okay pa beauty ko mga 'Day?" tirada na naman ni Julian. Nag-wave pa ng buhok, hinablot yung cellphone na hawak ni Brent at nanalamin. Nagpa-cute lang naman doon...nagbabaklaan na naman. "Okay. Gora na." Yaya niya pagkatapos i-check ang sarili at ibalik ang cellphone sa kasama. Tumabi sina Sophie nang dumaan na sila.

"Sophie, hindi ko alam na may pagkamaton pala si Oshien. Minsan nga gagawin ko rin yun." Sabi ni Sharmaine nang maka-recover na sila.

"Loka! Kaya mo? Tingnan ka nga lang ni Jesrell atras ka na agad eh. saang lugar ba yung may mga Amazona? Baka dun galing si Oshien. Oh sakto kakaiba pa pangalan niya!" asar naman ni Ally. Napaisip tuloy si Jane.

"Bakit naman niya naisipang banggain yung Centaurus? To think na bago pa siya? Ang tapang niya nga."

"Uyy tama na muna yan! Hindi nga natin alam kung saan napunta si Oshien eh. bigla na lang nawala. San naman napunta yun??" singit na ni Sophie sa kanila.

"Hay bwisit! Bwisit talaga! Hay kaasar! Ano bang katangahang pinag-iisip mo  Oshien Anne! Kahit kailan talaga padalos-dalos kang kumilos! Ang tungaks mo!"

Ilang beses nang inuntog-untog ni Oshien ang ulo niya sa manibela ng kotse niya. Nang mapagod naman, yumuko na lang doon. Doon kasi siya dumiretso pagkatapos gumawa ng eksena.

"Ano nang gagawin ko? Ako pa yung lumabag sa usapan namin. Nagulat lang kasi talaga ako eh. Pag nagugulat kailangan ganon? Hah Oshien? Ano bang malay ko na ganun pala siya kakilala sa University? Tsk. Ba't kasi ako nasanay maging ganon sa kanya? Tanga talaga Oshien! Hindi nga magkakilala pero binangga mo syete ang dyahe! Mama, pa'no na 'to? Teka anong oras na ba?" mabilis siyang umayos at sinipat ang wristwatch niya.

Let's Play! Husband and Wife!Where stories live. Discover now