Pics!

562 14 3
                                    

 "Wala eh, strict husband ko."

"Tado! Bakit ko isasagot yan hah?!" sigaw ni Oshien kay Julian.

Kinukwento kasi niya yung mga nangyari sa first day niya kanina habang gumagawa ng mga assignment nila.

"Haha bakit? Ganda nga nun diba?" tatawa-tawa namang sagot ni Julian habang nagtatype sa desktop computer nila. Si Oshien naman gumagamit ng laptop sa mesa.

"Kung anu-anong nakukuha mo sa mga group messages. Kahit kailan ka talaga. Teka, kanina pa 'ko nagkukwento  ng first day ko ah! Ba't ikaw hindi?"

"Naku, the usual lang. Ikaw lang kinakamusta ko kasi di naman tayo nagkita kanina."

"Buti nga hindi. Hindi ako ganong nabwisit."

"Natusta ka naman sa mga tanong ng kaibigan mo."

"Maganda na iyon at least di mo magagawa yung banta mo kanina."

"Oo nga noh? Ligtas ka dun ah."sagot ni Julian sabay kuha ng binder sa bag niya para tingnan kung ano pang kailangan sa assignment nila.

"Akalain mong gumagawa ka ng assignment Plue? Unusual sa lalaki yan ah!"

"May sinasabi ka? Prinsesa?" sabi na lang niya saka nginusuan si Oshien. Di niya trip yung mga ganung usapan eh.

"Ba't ayaw mong napupuri ka? Buti ka pa nga eh.."

"Nakaw Oshien dear, alam ko na yan. Syempre ako pa! Well..di na iba yan! Gwapo eh..gwapo!"

Nagsimula na namang magyabang si Julian.

"Nagpaandar ka na naman. Pano naman kasi ... yaan na nga. Hay grabe..muntik na talaga ako kanina madulas! Plue, ang hirap pala magpanggap noh?"

"Ikaw may gusto nyan Plue. Pinadadali ko na kasi, pinahihirap mo pa."

"Ayoko na makipagtalo sayo.. Nagsheshare lang naman eh!"

"Oh ganun ba? Okay gora, continue!"

"Para ka talagang baliw. Pero honestly, kanina, halos di ko alam yung isasagot ko. Buti na nga lang dumating na yung Prof. namin. Na-save by the bell ako. Pero, pano na bukas?" napasulyap si Julian kay Oshien.

Nakatagilid ang position niya dito kaya side view lang ang kita niya. Napansin niyang pasimpleng itinaas ni Oshien ang cellphone niya.

Napangiti tuloy siya kaya humarap na rin si Oshien sa kanya.

"Andaya mo Plue! Bakit ka ngumiti!!"

"Halata ka naman kasi mag-stolen shot. Matuto ka kasi sa expert."

"Expert? Ikaw?"

"Who else will be? Siyempre ako! Tingnan mo 'to." Mabilis namang pumunta si Oshien sa harap ng computer para makita ang sinasabi ni Julian.

Nagulat siya nang makita ang stolen shot niya habang nakaharap siya kanina sa laptop.

"Hoy! Kailan mo nakuha yan?!"

"Kanina. Ganyan ka dapat kumuha. Hindi halata. Ilang beses na kita nakunan di ka pa natuto? Wala weak."

"Tayo na mahilig sa stolen shots. At ako na talo. Ikaw na magaling. Hindi man lang ba mangpapanggap na hindi mo alam na nakunan kita? But, come to think of it. Wala pa tayong picture na tayong dalawa. As in yung tipong trip trip natin?" napaisip tuloy si Julian doon.

"oo nga noh? Di tara, gawin na natin ngayon."

"Ngayon na agad?"

"Hindi bukas pa, mag-oopen open ka ng ganyan tapos tatanung-tanong ka pa. Wala nang bukas bukas pa! Tara!"

Let's Play! Husband and Wife!Where stories live. Discover now