Eto Na Naman..

405 11 2
                                    


        "Matagal pa ba? Why does it take so long? Pagabi na oh.. Isa pa yang.. ahh geez!" iritang-irita na si Tiffany maghintay.  Halos 45 minutes na rin kasi silang naghihintay kay Oshien. Kapag nagkakataon nga naman talaga. Magkasunod lang dumating sina Jesrell at Brent pati ang grupo grupo nina Ally. Sumunod sina Tiffany. buti na lang napakiusapan agad ni Brent sina Sophie about sa mga biglang Sali sa lakad nila. Naiwasan ang gulo. Tahimik lang sila pero halata namang nag-iirapan.

About 20 minutes naman na nung dumating si Julian. As usual, tuko na naman si Tiffany sa kanya. Ang pinagtataka lang nila, parang uneasy yung itsura. Hinaharot na nga siya ng isa wala pa ring reaction. Reason? Unknown.

Panggulat naman ang dating nina Kelven sa kitaan nila. Yung kasama kasi niya ang naging center of attention nang dumating sila. Si Monic. Hindi talaga nagpaiwan. Pinilit siya hanggang sa pumayag kaya yan. Bago lang rin kasi ito sa mata ng mga kasama nila ngayon. Medyo naiilang pa nga nung una si Monic pero kinausap na lang nina Ally. Hindi naman siya tulad ni Tiffany na mataas ang level ng kilay sa iba. Yun, umingay na rin. Hinayaan na lang ni Kelven yung lima. Maganda nga yan may kausap na siya(Monic). Ang dami ngang kwento kay Julian. Ka-schoolmate kasi niya ang loko-loko nung highschool kaya maraming alam na kalokohan tungkol dito. Yung apat super interested naman habang nagkukwento siya.

Kaso bigla namang nagsimulang mag-alburoto si Tiffany. Nanahimik sila. timing talaga, pano next thing na ikukwento ni Monic may person involve na and specifically, personal facts na about him.

"Papansin talaga 'to. ang ganda na ng usapan eh. sumingit pa. Yun bang tipong may thrill na binitin pa?" mahinang sabi ni Ally sa kanila. Tipong sila ang nakakarinig.

"Pero, come to think of it, ang tagal na nga ng hinihintay natin. Yun yung may asawa diba? Yung mas gwapo kay Julian?" tanong ni Monic sa kanila.

"Oo eh. pero sasama yun. Pinayagan siya."

"Wow naman. Ang bait ng asawa niya. Sabi mo gwapo diba? I wanna see her tuloy na. Sana siya naman makakwentuhan ko mamaya. Kasama kayo siyempre. Sabi niyo kasi maganda yung story nila eh."

"Tama tama! Promise ang cute talaga. Tsaka approachable  yun!"

"Pero nasan na ba siya? Tinext na ba kayo? Tumawag na? Sa'kin kasi hindi eh." tanong ni Sophie sa kanila. Umiling lang sila. "TSs.. nasan na siya?"

"Tinatry ko nang i-contact eh. ayaw. Busy daw."

"Busy? pa'no yan?" sumabat na rin si Brent. Nag-aalala na rin kasi silang lahat except siyempre sa mga =Loader=...

"Baka hindi na yan pinayagan."

"Nega mo Tiffany." Sabi ni Jesrell sa kanya. Umirap lang siya.

       Habang nagkakagulo na, pasimpleng dum-ial si Julian sa cellphone niya. Kanina pa niya pinariring ang phone ni Oshien pero walang sumasagot. Pinapatayan pa siya. Bwisit lang. Siyempre sa kanilang lahat, siya ang pinaka nag-aalala. Dapat kasi bago siya dumating, expected na niyang nandun na si Oshien. Nauna kasi itong umalis sa kanya dahil in-insist niyang ihatid si Justine sa parents nila. Dapat sandali lang yun, wala namang traffic eh. 20 minutes lang mula sa dating bahay nila ang biyahe papunta sa meeting place pero hanggang ngayon wala pa? Tapos ayaw pa sumagot. Nakailang ring na wala pa rin. Ano nang nangyari dun?


         Nakapansin na si Brent sa patingin-tingin niya sa cellphone. Sa lahat pa talaga ng pwedeng makapansin eh. serious mode pa man din siya. No choice, papalusot na naman siya.

"Guys wait ha, tumawag yung.."

"Babae mo?" tuloy ni Jesrell. Hindi alam ni Julian kung maasar siya sa sinabi nito o idadaan rin niya sa loko. Hindi na nga siya mapakali mang-aasar pa? Hindi na lang niya pinansin. Maya-maya magtataka rin yan. Hindi niya pinansin? Nako, unusual yan kay Jesrell.

Let's Play! Husband and Wife!Where stories live. Discover now