With A Twist

478 11 2
                                    

                                                                    Breakfast time kina Oshien..

"Ready ka na mamaya after class?" Humigop muna ng gatas si Oshien bago sagutin si Julian.

"Hmm.. oo, nasabihan na 'ko nina Sophie kahapon. Talaga bang maglalaro lang tayo?"

"Enjoy-in mo kasi. Masaya yun. Time para maging bata."

"Nga pala, may naalala ako sa usapan namin kahapon."

"Ano naman yon?"

"Duling ka pala eh. Bulag to correct dahil bratinela pa daw yung napili mong syotain."

"Pakilala mo nga sa'kin mga yan. Kausapin ko sila closed door." Sabi ni Julian saka tumayo na para ilagay sa kusina yung mga pinagkainan nila. Sinunod na rin ni Oshien yung mga pinagkainan nila. Pinagtulungan nilang linisin ang mga kalat nila. "Kung tutuusin sila mga bulag. Haha! Judgementals, mabilis mauto ng balita. Hayaan mo sila."

"Cool mo Men. Nanggagalaiti na nga si Ally, Allen. Karibal niya daw si Tiffany. Mataray. Pinalalaban ko nga dun, sabe baka resbakan mo naman siya. Broken hearted pa tuloy agad siya. Girlfriend daw eh. wala kaming laban."

"Di sana sinabi mong asawa ka. Talo yun sa inyo."

"Parehas talaga tayo ng utak! Muntik ko na masabi yan! Buti sa isip lang."

"Oh talaga? Ang saya saya naman! Parehas tayo!!" sabi ni Julian na nagdiwang pa na parang bata. Wini-wiggle wiggle yung mga kamay.

"Julian yung bula tumatalsik!" saway naman ni Oshien habang umiilag.

"Eh kung sabihin ko na kaya relasyon natin? P.E.R.S.O.N.A.L.L.Y?"

Humarap naman ngayon ito ng malapit sa kanya. Tinalsikan nga niya ng bula. Ginulat kasi siya. Basta basta na lang haharap ng sobrang lapit pagkatapos humarot.

"Bad Plue. " sabi na lang ni Julian habang nagpupunas ng mukha.

"Kasalanan mo. Pabigla-bigla ka. Gusto mo ba 'kong masakal ni Ally? Ilang beses ko na bang sinabi sayong malalagot ako dun kapag nalaman niya tungkol satin? Asawa mo nga daw siya diba?"

"Loko. Pitik sa ulo."

"Aray!"

"Art? Mahina lang yun ah. Pasok na tayo bilisan mo na diyan." Hinintay na lang ni Julian si Oshien sa sala. "Mamaya pala baka makita mo na yung Rumored Girlfriend ko.."

"Awkward pakinggan Plue!"

"Selos ka lang eh."

"Si Ally kamo. Dun pa sa mataray na yun ah. No weeay."

"President yun ng Chess Club."

"Inggit much." Sabi ni Oshien habang nagpupunas ng kamay saka kinuha ang bag niya sa tabi ni Julian. "Pero ayopko ma-insecure. Hawak ko ata weakness niya. Umpisa pa lang, checkmate na agad siya. Tara na." Yaya niya dito. Nauna na siyamng maglakad palabas nang hinawakan siya ni Julian.

"Anong dala mong extra? Pambaba?" 

Ay patay, nagsimula na mag-usisa. Akala talaga  niya makakalusot na siya. Hindi naman siya makapagsinungaling. 

"Ano, shorts below knee."

"Palitan mo ng jogging pants."

"Plue naman! Hindi naman bawal diba?!"

"Bawal sa Policy ko."

"Plue naman hindi yun maiksi!"

"English ng maiksi?"

Let's Play! Husband and Wife!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon