Big Deal Ba 'To??

576 11 0
                                    

“Umayos ka nga Julian! Pasukan na bukas ano ba?!”

“Oh ano ngayon? Eh di tara! Pasok na tayo!”

“Tutulong ka o papasok ka sa hospital?”

“Grabe naman ‘to, confine agad? Pag di nasunod bugbog diretso? Ina-under mo ‘ko ah! Anyway, tara na. As if naman kasing masusunod ko yan.”

                Kasalukuyang nasa kama sina Oshien at Julian habang pinag-uusapan ang gagawin bukas.

First day of classes na kasi kinabukasan at gustong gumawa ni Oshien ng agreement kapag nasa school sila.

Ayaw pa ngang makisama ni Julian sa kanya dahil boring daw. Pero dahil seryoso na si Oshien, pumayag na rin siya. Ayaw niya maconfine este matulog sa banyo.

For sure kasi, sasalubungin siya ng hampas, batok, kurot at pingot kapag umayaw siya. Banyo lang matataguan niya sa loob ng kwarto nila. Imposible sa music room eh. Pwedeng pasukin sa ibang pinto.

“Hay..naman ba’t kasi kailangan pa yan?” tanong uli niya habang nagpapagulong-gulong sa kama.

Kanina pa kasi sila nakadapa doon. Nangawit na siya.

“Gusto mo mabuko?”

“Sabi ko naman sayo, hindi big deal yan. Ba’t kailangan pa itago? May I remind you na ako lang po ang kilala mo sa school ngayon noh. Tapos gaganyan ka pa.”

“Tumigil ka na nga sa paggulong, nahihilo ako sayo.”

Huminto naman si Julian sa ginagawa at muling dumapa saka hinarap si Oshien.

“Bakit ba masyado kang nag-aalala diyan? Big deal ba ‘to para problemahin? Gwapo naman ako ah! Ano pang gusto mo itago dyan? Ayaw mo lang ako ipagmalaki eh nakakatampo..”

“Sira! Eh kasi naman! Ayoko lang namang makagulo sayo sa school. Pa’no ka makakagalaw na maayos kung limitado kilos mo? Tsaka pa’no kung may magustuhan ka nang girl,paano mo siya popormahan kung alam ng lahat na may asawa ka na? Mahirap yung ganun.” Explain ni Oshien habang nakayuko.

“So all this time ako lang pala inaalala mo? Kamusta ka naman? You think na kapag ginawa mo ‘to matutuwa ako? Who said that? Pagtitripan ko. Mahirap ka dyan, eh bakit ikaw ‘di ka mahihirapan? Kaya nga tayo nagpakasal para maramdaman yung married feeling diba? Natural lang yang pinagsasabi mo noh, tapos ikaw mumrublema diyan. Kj ka rin eh.”

“Pero kasi nga..”

“Shien listen..kasi ka kasi ng kasi!”

“What?!”

“Spell C.O.M.M.I.T.M.E.N.T?”

Natigilan bigla si Oshien..napatingin lang siya kay Julian.

“Oh di naalala mo rin yang gusto mo mangyari noon. Ang dami kasing iniisip eh. Well, ganito nalang, since mabait naman ako, kung gusto mo itago ‘to sige pagbibigyan kita.  Gusto mo ng thrill eh. Mas exciting nga naman yang ganyan.”

“Julian..”

“Oh?”

“Punyemas ka. Ano ba talagang trip mo ha?!” inambahan pa niya ng kutos si Julian.

“Aba aba? Panira ka ng moment lam mo yun? Sweet sweet ko na dito eh. If I know kinilig ka lang sa sinabi ko eh. eehhhh!! Aamin na yan! Aamin na yan!”

“MARCUS JULIAN!!”

“Heto na nga eh ano bang unang plano, teka iisip ako ah..”

Yan,

once na binuo na  ni Oshien ang pangalan niya ibang usapan na yan. Idagdag pang sumigaw na. Ngarag tuloy siya.

“Matatakot ka rin pala eh. kung di ka pa sisigawan, di ka pa titino. Oh eto usapan. Starting tomorrow, sa bahay at sa labas lang ng school tayo mag-asawa. Pero pagpasok natin, hindi tayo magkakilala.

Let's Play! Husband and Wife!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon