Meet New Friends

501 14 1
                                    

"Plue una ka nang magpark ng sasakyan. Tabi na lang tayo. Pagka-park mo susunod na 'ko pero dumiretso labas ka na agad. Start na ng deal natin diba?"

"Yeah got it. I'll hang up. Take care.."

"Kachweet talaga ngayon ah. May sweet bones ka rin pala?"

"Nag-uumpisa ka?"

"Nope! Last na haha! Bye, takecare too.."

"Loko talagang yun."

Inayos na ni Oshien ang sasakyan niya para i-park. Nang matapos na siya, sinipat niya muna ang sarili sa rear view mirror. Nang sa tingin niya'y okay na siya, she just sighed and prepared herself to go.

                "Breathe in, breathe out. H..okay Oshien Anne, do your best. You can do this. Fight! Let's do it."yun lang at lumabas na siya agad.

Nagulat si Oshien nang matanaw si Julian sa malayo. Naka-park na pala yung sasakyan nito sa tabi niya, hindi man lang niya napansin.

"Nak ng.. nasarapan ako sa pag-eemote! Nung oras na? Sinipat niya agad ang relo niya. "Shocks! 7:37 na!!"

Patakbo na si Oshien nang maramdaman ang vibration ng phone niya. Kinuha niya iyon sa bulsa ng palda niya habang naglalakad.

"1 message received. Tsk, Juliano talaga.."

      Plue!  >_ <

                06-10-13  7:40 AM

Nauna na 'ko lumabas. Guess ur too busy talking 2 urself. Just wnt 2 remind u. your 10 mins. Late. Hurry up Plue, bagal2 k na naman.

"Leshe mamaya ka lang talaga pagdating ko sa room."

Lakad takbo na ang ginawa ni Oshien para makaabot sa first class niya.

Nasa 2nd floor pa man din iyon. Panay dasal niya na sana wala pa yung first Prof. nila kung hindi lagot na.

"Lakad pa Oshien kaya mo yan!"

                And at last!

Hingal na hingal siyang tumapak sa may pintuan ng room niya. Slowly.. she opened their door.

"Oh thank goodness.."

relieve na sabi ni Oshien nang makitang wala pa ang prof. nila. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga classmates niya.

Well, hindi na lang niya pinansin iyon. Medyo maingay na rin kanina yung room bago siya pumasok kaya naisip niyang matagal nang magkakaklase ang mga makakasama niya.

"No wonder Oshien, 4th year na eh. makahanap na nga ng upuan."

Sandali lang naman sila nanahimik nang pumasok siya kaya naisip na lang niyang magiging okay lahat. Nakahanap si  Oshien ng upuan sa bandang dulo  pero may apat na nakaupo. Mukhang magkakabarkada sa isip isip niya.

Awkward naman..

panay pa yung usap nila. And since isang upuan na lang ang nandon, sa dulo pa, naglakas loob na lang siyang kausapin yung babae katabi non.

Pakapalan na ng mukha. Dumaan siya sa likod nila para hindi istorbo.

"Ahh.. excuse me.."

Hoo.. Nakaka-Tongue-tied... Nakatingin na sila sa kanya.. Awkward talaga..

"H..hello.. ahm.. pwede ay mean, meron palang nakaupo dito?" turo niya sa bakanteng upuan.

             "Wala, pwede kang umupo diyan Ate." Sagot ng girl beside the chair, nakangiti siyang kinausap nito kaya mukhang friendly sila sa tingin niya.

Let's Play! Husband and Wife!Where stories live. Discover now