Day Three

395 12 4
                                    

       Thanks Miss Jettoy nung nakaraan! Pinasaya mo talaga ako sa pinost mo sa fb!! Lab Yow! Dahil dyan! Sayo nakadedicate 'to since ito lage mo naalala kapag usapang spoiler tayo haha!!

           Friday. Rest day nila Oshien at Julian sa school.

Buti naman kahit papano makakapahinga sa issue. Kaso ibang issue naman ang meron sa bahay nila.

"Oy, anong ginagawa mo sa labas Iday?" umupo na rin si Julian sa tabi ni Oshien sa may hagdan. "Namumrublema ka?"

"Ha? Medyo, si Justine kasi parang ayaw talaga sa'kin. Pinag-iisipan ko kung pa'no mapaamo."

"Kaya pala ang sarap ng tulog mo sa sofa kagabi."

"Oh? Ikaw pala nagdala sa'kin sa kwarto."

"Ay malamang ako lang naman ang may kaya sayo dito. Asahan mo si Justine?" sinuntok nga siya sa braso.

"Kahit kailan ka talaga. Hindi ka nawawalan ng kalokohan sa katawan."

"You're welcome ha."

"Thank you Ju." Sinandal na lang ni Oshien ang ulo niya sa balikat ni Julian. Pahangin mode sila ngayon. Si Justine kasi tulog pa rin. "Sorry. Kahapon. Bakit ba naman kasi sa lahat na lang ng ano... Yan pa? Sorry talaga. Nakadalawa na 'ko. Sorry Ju."

"Ano ba kasing pumasok sa isip mo kahapon at naglaro ka nun? Hay, ayoko na nga alalahanin. Pasalamat ka may sasalo ng sama ng loob ko." Nabaling agad ang tingin ni Oshien kay Julian. Nagtaka siya.

"Sasalo? Bakit?"

"Si Jesrell naman kasi talaga tumulak sa'kin kung bakit ako napunta sa likod mo. Diba muntik ka na rin masubsob nun?" ay oo nga. Hindi na niya naalala yun ah. Bumangga rin kasi si Julian sa kanya. Kung hindi siya nahawakan subsob siya. Ang lakas kasi ng impact ng tulak.

"Oo nga noh? Ba't ganun? Kapag nasasaktan ka, damay rin ako? Ano na naman kasing ginawa mo dun?"

"Ganun talaga, mutual tayo eh. oh wag ka manapak diyan. Ginawa ko? Wala akong ginawa dun, kinilig na lang bigla malay ko ba? Pinungayan ko lang ng mata tapos.."

"Kinagat mo lower lip mo?"

"Hehe, pano mo nalaman?"

"Ginawa mo na sa'kin yun eh. tanda mo ba nahampas rin kita?"

"Ano bang meron kasi dun?"

"Pa-check up ka gusto mo?"

"Uyy iniba usapan. Tumatakas." Muntik na naman siya ambahan ni Oshien.

"Try mo gawin sa salamin nang malaman mo."

"Ayoko baka kiligin din ako, masapak ko pa yung salamin."

"Baliw.. lakas ng confidence mong gwapo ka."

"Pinalalakas niyo ehh."

"Ewan ko sayo."

"Ba't mo 'ko pinache-check up? Para malaman kung makakabuo pa 'ko? Oh! hindi makatingin, totoo!" hindi naman kasi talaga siya makatingin kay Julian nang sabihin iyon. Inakbayan na lang siya nito. "Bakit hindi na lang tayo ang tumingin? Try natin kung walang problema. Hindi ka safe ngayon?" this time hindi na nagpigil si Oshien. Binatuk-batukan na niya. Kinurot pa, umiilag lang si Julian. Natatawa sa kanya.

"Ikaw na lalaki ka! Ang maniac mo ha! Anong hindi ako safe? Kapag pala hindi gagawin mo? Lang ya ka hindi ako tester ng genes mo noh! Pa'no mo nasasabi sa'kin yan?! Hindi ka na nahiya! Babae kaya ako tapos ganyan ka?!"

Let's Play! Husband and Wife!Where stories live. Discover now